𝐊𝐔𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀, 𝐈𝐏𝐀𝐆 𝐊𝐀𝐊𝐀𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐀

7 2 0
                                    

Patakbo akong bumaba ng hagdan at muling sinulyapan ang aking relo.

"04:00 pm pa lang, sana may masakyan agad ako. Malalate na ako sa ensayo," wala sa sariling ani ko.

"Raina! hintayin mo 'ko, may chika ako!" Isang malakas na boses ang narinig ko, itinaas ko ang tingin 'ko sa second floor ng building namin.

Napabuntong hininga na lamang ako at tinanaw ang kaibigan ko na bumababa sa hagdan. Umuna na ako mag lakad nang makita ko'ng malapit na ito sakin.

"Ang bilis mo maglakad beh, para kang hinahabol ng aso," sambit nito. Nginisian ko na lamang ito at tiningnan muli ang nilalakaran ko.

"So 'yon na nga, naalala mo pa ba si Kenneth? 'Yong pinsan ko na galing maynila?" sunod sunod na tanong ni Ella.

Hindi ako agad nakapag salita, sino ba naman ang hindi makakaalala kay Kenneth? Natural na maaalala ko 'yon, nag ka crush ako don. Tinanguan ko na lamang ito.

"Alam mo naman siguro na may gusto 'yon sa'yo diba?" tanong muli nito. Tinanguan ko ulit ito at mahigpit na inakap ang choir hymnal na dala ko.

Aaminin ko na nagustuhan ko si Kenneth. Pero hindi kami mag katulad, may mga bagay na hindi dapat gawin na nababase sa aral na tinatangap mo. Alam ko ang nararapat sakin, kaya halip na magpadala sa bugso ng damdamin ay pinilit ko na iwasan ito.

Dumaan ang mga araw na nagkita kami. Tulad ng dati, pag gusto ko pa ang isang tao, iba parin ang dating  sakin.  Nagkaka usap kami, nagkakasama dahil ang kaibigan n'ya ay kaibigan ko din.

"Raina? can I court you?" tanong nito na s'yang kinabigla ko. Agad na nanlamig ang mga kamay ko.

"Sorry," mahinang saad ko ngunit sapat na para marinig n'ya.

"𝐊𝐔𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀, 𝐈𝐏𝐀𝐆 𝐊𝐀𝐊𝐀𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐀'𝐓 - 𝐈𝐒𝐀." wika ko.

Wala akong narinig ni isang apila mula sa kan'ya. Isa ito sa mga nagustuhan ko kay Kenneth. Marunong s'ya rumespeto ng isang desis'yon kahit masaktan pa s'ya.

"Raina, pagkatapos mo mag bihis punta ka sa taas boodle fight tayo," magiliw na saad ni Kreisha.

Ito na talaga ang routine ko every Sunday, halos dito na ako tumira sa church. Sino ba naman ang uuwi pa kung pag narito ka nararamdaman mo na masaya at kumpleto ka.

"Alam mo ba, ang gwapo nung bagong transfer HAHAHA," napailing na lamang ako dito.

"Ito na naman tayo Krei." napailing na saad ko.

"Charot lang basta pumunta  ka na, hintayin mo 'ko dun," pahabol nito.

Mabili ako na lumabas ng dressing room at pumunta sa opisina isang pamilyar na bulto ng lalaki ang bumungad sa akin, sa pinto pa lamang.

It's him, Kenneth. May kung anong kakaiba sa t'yan ang naramdaman ko. Hindi ako pwede magkamali. Humarap ito at nginitian ako. Hahakbang pa sana ako palapit dito nang biglang may isang hindi pamilyar na babae ang lumapit  sa kan'ya at iniabot ang isang sanggol.

Sa pag kakataon na ito, hindi ko na alam ang dapat maramdaman ko. Nakaka tuwa dahil napabilang na s'ya sa kawan. Ngunit hindi kami ang tinadhana. Kaya ko maghintay hanggang sa ibigay ng d'yos ang laman ng aking mga pagpapanata.

-
Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now