FRONTLINERS UNTOLD STORY

18 6 0
                                    

Life is a matter of choice. Life is so unfair and you will face the difficulties in life.  Are you ready once you experience it?  Will you fight or you will be stop and go on to the death?

Sari-saring bad news ang aking nakakasalamuha may iilang good news pero mas lamang ang hindi.
Sa isang iglap dinandanas natin ngayon ang pandemic ang COVID19.  Sa pamamagitan nito nagbago ang lahat.

I am Hellen Santos and I am a nurse and I am one of them, a frontliners.Sa kabila ng mga nangyayari hindi ko lubos na maisip na hahantong ang buong mundo sa ganitong sakit, sakit na magpapabago sa lahat.
Hindi biro ang ginagawa namin dahil araw-araw kaharap namin ang mga nagpositibo ng COVID-19. Ngunit gayunpaman, kahit nakakatakot at nakakapressure kailangan lumaban at magpatuloy sa hamon ng buhay.

Kasalukuyan akong nakaduty sa general Hospital sa Tondo Maynila at hindi na maayos sapagkat nagkukulang kami sa materyales lalo na sa PPE at sa mga antibiotics na kakailanganin namin at kahit ang pasilidad ay nagkukulang din.
Bawat isa sa amin ay 8 hours and duty mahirap, nakakapagod, nakakatakot pero responsibilidad namin ito at trabaho namin.

Pumasok na ako sa room 123 at isang lalaking nagpositibo ng COVID-19 ang aasikasuhin ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya at pangungulila sa mahal niya sa buhay.

"Sir, good morning po. I am Hellen po inject ko lang po ito sa inyo." saad ko.

"S-salamat." utal na sabi at tipid niyang sagot.
Ginawa ko ang part ko at syempre kailangan maingat ang bawat kilos ko dahil ayokong ma-wrong move ako at syempre positive siya kailangan may proteksyon at may social distancing pa rin.

Natapos na ang duty ko pero biglang may badnews may ilang pasyente kasi na hindi kinaya lumaban pero nahirapan na kaya hindi sila nakasurvive.

Nakakapanlumo pero kailangan pa rin lumaban at harapin pa ang mangyayari lalo na kakasimula pa lang ng pandemic na ito.
May malapit na Hotel kaming tinutuluyan hindi na kasi pwedeng uwian pa dahil unang una baka mahawa pa ang pamilya o mahal namin sa buhay at para talagang maasikaso namin ang mga pasyente namin.

Kasalukuyang katatapos ko lang bisitahin ang mga pasyente na nasasakupan ko habang nag lalakad ako sa hallway nakikita ko parin ang mga taong nakahiga sa kani kanilang higaan at nakikipaglaban sa  covid 19 dahil sa kakulangan namin sa facilities at dahil na rin  sa sobrang dami ng mga natamaan ng sakit nito nakarating na ako nurse station bahagya akong sumandal sa pader upang makahanap ng suporta dahil sa sobrang kapagudan.

ringgggg~

kaagad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko at kaagad ko itong sinagot nang mapagtanto ko na ito ang kaisa isa kong anak

Hello baby? malambing na sabi ko

"Mommy kaylan ka uuwi ? busy ka ba sa work? i miss you" malambing na pagkakasabi nito at biglang umiyak

Soon baby magkikita din  tayo- pag aalo ko rito habang pilit tinatago ang mga munting hikbi na nangagaling sa akin

"Take care mom you're our hero" bata pa sya pero napakatalino na nya nakakatuwa lang kasi naiintindihan nuya yung ginagawa ko

"Babye na mag wowork na ulit si mama ingat kayo huh yung bilin ko sa inyo ni lola mo" pag papaalala ko rito

"Hellen kumain ka na ba?" nabigla na lamang ako ng may tumawag sa akin kaagad ko naman itong nilingon isa pala ito sa katrabaho ko  na nag babantay sa room 104 kamamatay  lang ng pasyente nito kanina hindi nya nakayanan ang covid 19 dala na rin ang katandaan.

"Hindi pa nga may chineck pa kasi ako" sagot ko rito at tumango na lamang ito

Ganito lang ang buong araw ko bilang isang nurse at dahil na rin sa pandemic na ito hindi namin maiiwasang malipasan ng gutom para lang magawa ng maayos ang trabaho namin sa bawat araw na lumilipas wala akong hiniling kundi matapos na ang pagsubok na ito

"Sir? masakit pa ba ang lalamunan nyo?" tanong ko sa pasyente na inaalagaan ko. Hindi ito umimik siguro'y dahil sa masakit na ang lalamuna nito

"Pwe-de ko bang makausap an-g pamilya ko" mahina na pagkakasabi nito

"Sige sir pero bago yan iinject ko muna ito sa inyo para mabawasan ang panghihina ng katawan nyo" sabi ko pa rito

Kaagad ko namang inabot rito ang ang cellphone nya na nakapatong sa lamesa

Noong una  akala ko ay tatawagan nito ang kanyang pamilya ngunit nag kamali ako tinignan nya ang wallpaper ng cellphone nya at munting butil ng luha ang tumulo sa mga mata nito napag alaman ko na kasama pala nito sa pic ang kanya palang mag iisang anak

"M-mamatay na yata ako" mahinang sagot nito

"wag nyo pong isipin kung yung iba nakarecover kayo din po" pag papalakas ng loob ko rito

Umalis na ako sa silid na yun hindi ko na rin kaya ang mga ganoong tagpo bilang isang nurse napakahirap makita na nawawalan ng pag asa ang  pasyente na inaalagaan mo. Napakahirap makakita ng mga taong nasa bingit ng kamatayan at wala kang magawa kundi alagaan sila pero di mo madidiktahan ang katawan nila na patuloy na lumaban

Day's past ganito parin ang tagpo ng mundo may namamatay may gumagaling may nag popositive bilang isang nurse wala akong hinangad na sana'y dumating ang pagkakataon na maging normal na ulit ang lahat

"Hellen bilisan mo dali may good news" kalalabas ko pa lamang sa  room 5  para mag inject sa isang matamdang pasyente nang may sumulpot sa aking harapan si jessa one of my co - nurse

"Anong meron?" tanong ko rito

"May antitode na" magiliw na saad nito

Para bang nakalutang ako sa alapaap ng marinig ko ang mga salitang iyon sa wakas hindi ko na alam kung saan ko pa isisilid ang aking pag katuwa kaagad akong tumungo sa room 123 para ibalita ang magandang balita na nasagap ko

"Ganun ba napakagandang balita nyan pupuntahan koblang yung pasyente sa room 123 maiwan na kita dito" saad ko rito

"Huh? hindi mo ba alam? Umalis na ang pasyente dun" sambit nito sa mahinang tono

"Hindi nya kinaya" dugtong nito

Bilang isang frontliners isa to sa pinakamalungkot na bahagi ng trabaho namin na makitang bumibigay ang mga pasyente namin yung matandang kausap ko lamang noong isang araw yunh sonabihan ko na lumaban hindi nanalo sa hon ng pagsubok na ito
-
"Lola? after that pandemic ano nang nangyari" binigyan ko nang napakagandang ngiti ang apo ko

"Philippines is covid free , ang mundong ginagalawan natin ay nakaahon sa napakatinding pagsubok na iyon hanggang ngayon pawang ang kahapon ay isa na lamang mapait na ala-ala " saad ko rito

"Lola gusto ko rin po maging nurse na katulad mo gusto ko ring tumulong " magiliw na lintaya nito

"Mom? andiyan ba si cheska?" biglang dumungaw ang anak ko sa pintuan ng kwarto ko at nginitian ko ito

"Cheska aalis na tayo mag paalam ka na kay lola" dugtong pa nito

"Babye lola see you tomorrow"  malungkot na sabi nito na tila nabitin yata sa kwento ko

"Mom alis na kami may shift pa ako mamaya" ngumiti na lamang ako sa aking anak bago nito lisanin ang silid ko

Year 2020, napakaraming nangyari ng panahong iyon. Year 2049 na ang bilis nang panahon pero yung sakit at panghihinayang sa mga buhay na nasayang ay andito parin ngunit isa na lamang mapait na alaala .

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now