Panandaliang saya

25 7 0
                                    

"Ama maari ba akong pumanhik sa tahanan ni marisa labis akong nananabik na makita siyang  muli" Ani ko sa aking ama

Kauuwi lang namin buhat ng Cavite pabalik sa bayan ng San Rafael dito sa bulacan isang taon na rin ang nakalipas simula ng lisanin namin nang aking ama ang bayang ito.

Kundangan nga lang Kung walang naging problema sa itinayong negosyo ng aking ama ay Hindi ko lilisanin ang bayang ito tatlong taon na ang nakakalipas simula ng mamatay ang aking ina, nag iisa akong anak Kaya naman kami na lamang nang aking ama sa aming tahanan

"Humayo ka na Susana at baka abutan ka pa ng tanghaling tapat sayang ang iyong kutis porselana," pagbibiro nito.

~

"Susana nagkita tayong muli akala ko'y di na tayo magkikita simula nang lisanin mo ang San Rafael at kayo'y nagtungo ng iyong ama sa bayan ng San Alfonso sa cavite," magiliw na bati ng aking matalik na kaybigan.

  "Marisa Kung Alam mo lang Kung gaano ako nangulila nang lisanin ko ang bayang ito, kundangan nga lang at may mahalagang kinumpuni ang aking ama ay hindi na ako papanhik doon," ani ko sa kanya.

  "Nako Susana samahan mo na lamang ako sa merkado para naman maaliw ka lalo na't kararating mo lamang sa ating bayan marami nang nagbago sa bayang ito lumawak na ang merkado at Kaya naman huwag Kang lalayo sa akin at baka mapaano ka sapagkat sadyang nakakahilo ang pasikot sikot sa merkado" Ani pa nito

~

"Sadya namang ang laki ang pinagbago ng merkado Marisa napakaraming tao ngayon" Ani ko habang namimili si Marissa ng mga binilin sa kanya ng kanyang ina

May nakita akong magandang porselas sa hindi kalayuan Mula sa tindahan na binibilhan ni marisa palapit na ako sa tiange na iyon ng biglang may mga nagmamadaling mga kalesa ang paparating

"Tumabi kayo!! tabi!!" Tila'y nag kagulo ang lahat may nagtulakan banda sa aking kinaroroonan nawala na Rin sa aking paningin si marisa labis akong nakaramdam ng matinding kaba

"Marisa! Marisa! Sigaw ko mukhang mahihirapan pa yata akong makauwi sa aking tahanan Hindi ko Alam ang pasikot sikot sa merkado sapagkat marami na ang nagbago sa lugar na ito.

"Makinig kayong lahat may nais akong ipabatid sa mga mamamayan na naririto" sigaw ng isang Guardia civil na nakasakay sa isang puting kabayo habang hawak ang isang papel de hapon

"Isang napakagandang araw mga mga mamamayan ng San rafael nais kong ipabatid na sa araw ng linggo Septyembre dose taong kasalukyan isang libo't walong daan at walompu't anim ay darating ang ating panibagong gobernador na si Don Carlito Guevarra kasama ang kanyang may bahay na si Doña Esmeralda Guevarra at ang ang nagiisang supling na si Senyorito Carlos Guevarra kasama ang magiging kabiyak nito buhat pa sa bansang Espanya Kaya naman Kayo ay inaanyahan sa araw na iyon na pumanhik sa bulwagan upang ipakilala ang bagong mamumuno at ang kanyang sambahayan sa ating bayan"

Sambit pa nito habang ang mga tao ay nagbubulong bulangan

"Alam mo ba parang kanina lamang ay may nakita akong matipunong lalaki sa bahay ng magiging gobernador Kaya sa aking palagay ay nakarating na sila sa ating bayan" sambit ng  isang tindera na malapit lamang sa aking gawi lumayo na ako sa gawing iyon para hanapin ang aking kaybigan dahil tiyak na sermon ang aabutin ko Mula sa babaeng iyon

Habang naglalakad lakad ay di parin maalis sa aking isipan ang minungkahi ng isang Guardia civil kani-kanina lang tingin ko'y makakapunta aking ama sa araw na iyo malayo pa naman ngunit parang may kurot sa aking dibdib

"Binibini bilhin mo na ang Rosas na ito pinitas ko pa Ito Mula sa Hardin ng Guevarra ang ating bagong gobernador malapit sa lawa"

Isang matandang babae ang biglang sumulpot sa asking harapan habang dala dala ang isang bungkos ng rosas

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now