BS 18

341 46 2
                                    

Heyyyy... Thank you for reading and for the comment. Super happy po ako dahil ikaw ang first ever na nag-comment waiting for my update. Love lots! <8

***

18. Joensen's Territory

//Phoebie Vivienne//

Guess what?

PAPUNTA KAMI NGAYON SA BAHAY NI DESTINYYYY! ACCCKKKKK!

I'm sorry. I'm just supah-dupah excited!

Syempre bahay ni idol na 'to e. She invited us last night through chat. Sino ba naman kami para humindi, 'di ba? Tapos we'll meet her mommy pa. Geez. For sure na sa kaniya nagmana si Destiny.

I can already imagine Mrs. Joensen na naka-black dress, naka-black high heels, may mahabang itim na buhok, matangkad, at sexy.

Wait a minute...

Pfft!

Biglang sumagi sa isip ko ang nanay ni Wednesday Addams.

Sorry, 'di ko ma-remember ang name. Advance sorry na rin kay Mrs. Joensen. Ginawa ko siyang... Err... Bampira? Parang hindi naman bampira ang Addams Family, ah? Instead, they're actually cool.

Pasensya na, Destiny. Minsan kasi para ka na ring si Wednesday Addams. Kaso pagdating nga lang sa talinuhan, si Hope naman si Wednesday.

"Woah! Ang laki naman ata ng bahay ni Destiny! Wait! Palasyo na pala 'yan!" bulalas ni Ximena, namamangha.

I couldn't agree more. Paano ba naman kasi? Ang bahay---palasyo nila ay hanggang third floor, base sa window rows. Blue-coloured rooftop na tila pang-palasyo, double spiral staircase, at malaking pool pa sa baba.

Lahat kami ay nasa black van ni Destiny na bagong bili raw. Grabe. May sariling kotse na nga siya, tapos may sariling van pa. Sinundo kami mismo ng kaniyang driver sa kaniya-kaniya naming bahay. Akala nga ng mga nakakita sa amin, mga kriminal kami. Iniisip siguro nilang kami ang papalit sa reputasyon ng White Van case sa Pilipinas.

Anyways, we are planning for a...

*drum rolls*

SLEEPOVER! YEY!

Nang tuluyan na kaming nakapasok sa territory ng mga Joensen, nagkatinginan kaming apat at hindi maipagkakaila ang excitement, kaba, at saya. Napansin ko pa nga ang paghigpit ng hawak ni Ximena sa braso ni Hope. Napangiwi na lang si Hope. Parang naramdaman ko rin ang sakit niyan, besh. Meanwhile, chill lang si Miracle sa tabi ko. Nagsalubong ang paningin namin kaya pareho kaming ngumiti sa isa't isa.

"P'wede na kayong bumaba, little princesses. Paniguradong hinihintay na kayo nila Madam sa loob," sabi ni Manong Fred.

Kinabahan naman ako sa salitang Madam. Tawag kasi 'yan sa mga sophisticated women based sa movies na napapanood ko. Huhuhu.

Kaniya-kaniya na kami ng baba saka kinuha ang tig-iisa naming bag na laman ang mga gamit namin for sleepover. Tumabi agad ako kay Miracle at kumapit sa braso niya. She smiled at me as if saying, "Everything will be ok, k.o."

Mas lalo tuloy akong kinabahan. May mangyayari bang masama? Or exaggerated lang talaga ako ngayon dulot ng magkahalo-halong mga emosyon.

"Woahhh! Ang bahay nga namin single door lang. Ta's ang bahay ni Destiny, double door in double size pa! Palasyo nga," komento ni Ximena na nasa tabi na ngayon ni Miracle at nakakapit din kay Hope.

Nasa harapan na kami ng malaki nilang pinto. Pero sa totoo lang, nakatuon talaga ang atensyon ko sa pool na nasa likod namin. I want to swim. Swimmer ako, eh.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Where stories live. Discover now