BS 27

305 43 3
                                    

Hey girl! Thanks for reading & the support! I hope your crush will crush you back. Luv yah!

Also, happy 2K reads, plums!

***

27. Clubs

//Phoebie Vivienne//

"Sure kang hindi ka galit sa 'kin?" paniniguro pa ni Destiny.

Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses niya nang tinanong sa 'kin 'yan simula kahapon.

"Paulit-ulit? Hindi nga! Kahapon pa nangyari 'yon! Past is past!" I exclaimed.

Nakakatuwa na ang idol ko ay kayang humingi ng tawad sa akin kahit alam kong never in her entire life na lalabas sa bunganga niya ang salitang "I'm sorry." Lucky for her dahil hindi na niya kailangan pang gawin ang gano'ng klaseng sacrifice dahil wala siyang kasalanan. Although, oo, hindi siya naging good sport base na rin sa ugali niya at lalo na sa ginawa ng The Cheerleaders kay Ximena.

Malakas-lakas kaya ang pagsiko ni Caroline kay Ximena!

Grr!

"So, iniisip mong bad leader ka?" Another question niya naman at umupo sa table ng kiosk.

Tumambad tuloy ang kumikinang niyang legs. Hindi kalaunan ay nakarinig agad kami ng pagsipol ng mga lalake. Probably because of Destiny's sexy legs. Mga lalake nga naman.

"Hayaan mo. Sasakalin ko sila later," agad niyang sinabi at umirap.

Bakit ako ang iniirapan niya?

"Hindi ako bad leader, Desty. Hindi lang siguro ako sanay na may nangyayaring incident like kahapon. If you don't know, strict ako pagdating sa pagsunod sa plano. Gusto ko na lahat ay naayon," patango-tango kong sagot sa tanong niya. Mukhang nahawa ako kay Coach Llyod, ah.

"Kung lahat ay naaayon sa plano for the past years of your life as a team leader, how come na wala kang naging barkada?" pagtataka niya habang pinaglalaruan ang isang hibla ng kaniyang buhok.

I pouted. "May curse nga ako, 'di ba?"

Kumunot ang kaniyang noo. Pagkatapos ay tumaas ang dalawang kilay at umirap na naman.

"You mean, the alleged curse of yours na pinakalat ni Sunny..."

S-sunny?

"Sandy! Anong Sunny?" natatawa kong pagtama sa kaniya. Kung narinig iyon ni Sandy ngayon, edi magsasabunutan talaga sila. But Sunny is a cute name naman.

"Pake ko?" Sabay irap niya na naman. May nystagmus ba siya? "Nakita ko na ba siya?"

"Malay ko. Parang hindi pa naman," kibit-balikat kong sagot. "Nasaan na ba ang tatlo?"

Natahimik kami nang ma-realize na kanina pa pala hindi nakakabalik ang tatlo na 'yon. I know na busy day today para sa mga officers ng school clubs for tomorrow. Every Friday kasi, from 3:00-5:00 pm, may Recreational Activities or Clubs Day kami. Last week ay wala, since first week of school pa naman.

Lunch break pa lang ngayon, pero halatang busy na talaga lahat ng officers ng clubs. Hope, the editor-in-chief of Journalism Club. Ximena, the vice president of Glee Club. Miracle, the president of Smile Club. At ako, vice president of both Sports and Dance Clubs. Yep. Kasali rin ako sa Dance Club. Mahal ko nang sobra ang pagsasaway. I also badly want to be the president. However, considering my very popular rival... Haayyy na lang. Ba't kasi binase sa votes? Hmph!

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon