BS 6 (Revised)

364 50 2
                                    

6. Queen Bitch vs Queen Bee

//Ayuki//

This is bad.

I'm already anticipating that something terrible is going to happen right after...

"Class dismissed."

The Math class.

No one moved as we watched and waited for Ma'am Yen to exit the room. The moment she left and closed the door, doon na nagsimulang magkagulo at mag-ingay ang lahat.

"Recess na! OMG! Let's all go to the cafeteria together," bulalas ni Ximena pagkatapos niyang tumayo at humarap sa amin, being cheerful as always.

"All of us?" Celina asked, clarifying, while she's fixing her things.

"Even me?" Phoebie pointed herself.

"Yes! You, you, you, you, and me! The five of us!" Ximena chimed cheerfully after pointing her finger at each of us. Then she ended up clapping out of excitement. "Gutom na gutom na ako! Sinong manglilibre?"

Hindi ako sumagot, sa halip ay inayos ko ang salamin sa mata at pasimpleng nagmasid. May mga nag-uusap, nagsisilabasan, natutulog, nagpo-phone, at may mga nakatingin din sa amin. Mga tinginang may iba't ibang kahulugan.

Inis. Kutya. Inggit. Galit.

"Ayuki! Let's go!" puna ni Ximena sa akin at hinila ako patayo. "Destiny! Come with us, please!"

I looked at her.

Halatang bored na bored si Destiny habang nakapangalumbaba, which is ang tanging nag-iisang posisyon niya simula pa kanina. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming apat na kasalukuyang hinihintay siya.

Alam kong ayaw niyang tumayo, lumakad, kumain sa cafeteria, o kahit gumalaw man lang. Alam kong nayayamot at nabo-bored siya ngayon at mas gugustuhing manatili lamang sa upuan. At alam ko ring wala siyang balak na sumama sa amin ngayon. She will refuse her offer in one, two...

"No, thanks," sagot niya kay Ximena at tumanaw muli sa katabing bintana.

Three.

"But, why? Sige na, please! Please, please!" pamimilit ni Ximena sa kaniya. "I wanna eat with you!"

Poor, poor Ximena...

I already told her not to get attached.

Umawang ang bibig ni Destiny habang pinagmamasdan si Ximena na kasalukuyang yinuyugyog ang kaniyang table. Celina, Phoebie, and I glanced at each other before quickly looking away. Ako ang nahihiya sa ginagawa ni Ximena kaya mabilis ko siyang hinila palayo sa table ni Destiny.

"You're so pushy," Destiny commented and leaned on her chair.

Yep, that's true. Ximena could be really pushy sometimes... Most of the time. Kaya madalas niya akong sinasabihan na I'm crabby, which is true dahil mabilis talaga akong mairita sa ability niyang magpumilit. She won't stop unless nakuha niya ang gusto niya, napagod siya, o may nakaagaw sa kaniyang atensyon kaya nanahimik bigla.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Where stories live. Discover now