BS 5 (Revised)

363 51 3
                                    

5. Meet the Jock

//Phoebie Liv//

People despised me for my ability.

I am gifted.

As my mother would proudly say.

Sports and dancing are my specialties. Marami akong naiuwing mga medalya, certificates, trophies, at iba pang awards mula sa mga naipanalo kong kumpetisyon. I am very proud of who I am kaya nagpalagay kami ng malaking glass cabinet sa bedroom ko. It became my own Wall of Fame. By chronological order ko nilalagay ang bawat awards with each framed photo that I had each day of the competition.

However, my social life contradicted my successful life.

No matter how many prestigious awards I've acquired, how many trophies I've brought to my family and university, or how many times I've sprained my ankle just to win those competitions, I am still a major loser at Triumph University.

Women support women, they say.

If that phrase is so true, then why am I constantly getting hate for rivaling a heartthrob guy at our university?

"Coach!" I shouted as I was standing at the very top of the gymnasium.

Lumingon sa akin si Couch Lloyd nang nakapamewang. I waved at him and I watched him wave back. Hinuhudyatan niya din akong bumaba at lumapit sa kaniya.

I tightened my ponytail hair while checking the stairs directly to the lower court. Nag-bend din ako para ibaba ang black leggings kong nakatuping nakatago sa ilalim ng skirt ko. Pagkatapos ay pinatong ko ang backpack ko sa katabing upuan bago ginawa ang four-point stance position.

One, two, three... Sprint!

Within two minutes, mula sa taas ay nakarating agad ako sa baba at sa malawak na court ng gym. Kasalukuyan akong nakatayo sa likod ni Couch Lloyd at nakangiti siyang hinihintay na humarap sa akin. Nayamot ako nang hindi niya pa rin nararamdaman ang presensya ko habang patuloy niya namang pinagmamasdan ang lawak ng court.

"Hi, Coach!"

His body flinched away from me. Mula sa pagkagulat ay sinamaan niya ako ng tingin na tila ba'y handa na ako nitong lamunin.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na tigilan mo na ang kakaganiyan?" pagsermon niya sa akin.

Ngumiwi ako at nagkibit-balikat. "Sorry, Coach. Bakit niyo po pala ako pinadiretso rito? Ang aga-aga pa nga."

He sighed before putting his arms on his hips again, and he said, "Alam naman natin na mula pa elementary ay ikaw na ang star player ng Triumph."

"Female star player," I corrected him.

Don't let them hear it without completing your sentence. Just don't.

Bumuntong-hininga ulit siya nang matanto ang sinabi ko. He nodded his head for a couple of seconds.

"Alam naman natin na mula pa elementary ay ikaw na ang female star player ng Triumph," pag-uulit niya, adding and emphasizing the word female.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora