BS 33

209 41 2
                                    

33. Elegant but Deadly

//Phoebie Vivienne//

Hindi ko inaasahan ang biglang paglitaw ni Tita Mau-Mau sa meeting. Inakala kong tuluyan na siyang hindi makaka-attend dahil aware naman ako kung gaano siya ka-busy na tao.

Ngunit sa aming lahat, si Destiny ang pinakagulat.

Kahit malayo akong nakaupo mula sa kaniya, I can still see her reaction. Her eyes literally widened as her jaw dropped to the floor. Nawala angas mo do'n, Destiny, ah.

Muling bumalik ang paningin ko kay Tita Mau-Mau at hindi mapigilang mamangha sa kung gaano kasimple ang suot niya ngayon. Subalit kapansin-pansin pa rin ang kaniyang pagiging elegante.

Simple but elegant.

Nakasuot lamang siya ng plain gold, spaghetti strap, satin dress dahilan upang humulma tuloy ang hourglass-shaped niyang katawan. Her hair is also tied up into a French twist. Gold stud earrings lamang ang alahas na suot-suot niya. Then, she paired her outfit with another gold purse and medium, gold heels. Bahagya pang ngumiti ang naka-red lipstick niyang labi bago siya naglakad palapit sa amin, kung saan ay tumunog ang bawat tapak ng suot niyang heels sa sahig.

What... a queen.

"Are you the principal?" she faced and asked Mr. Cholas elegantly.

As Mr. Cholas recovers from shock, he cleared his throat before standing up and offered a handshake. Walang pag-aalinlangang nakipag-handshake rin si Tita sa kaniya, saka sila maikling nagkamustahan. Afterwards, he asked Tita to take a seat on the vacant chair behind Destiny.

Bakit kay Tita Mau-Mau lang siya nakipag-handshake?

At bakit kalbo na siya ngayon?

Ganiyan na ba siya ka-heartbroken kay Mrs. Bund?

"Mabuti namang huminahon na tayong lahat, all thanks to Ms. Joensen. Thank you, too, Mrs. Joensen for attending this meeting. Sinabi kasi ni Miss Joensen kanina na magsimula na raw kami kahit na ka wala pa, Mrs. Joensen," sinabi pa ni Mr. Cholas and gave us a smile---and a bigger smile kay Tita---bago siya bumalik sa pagkakaupo.

Tongue twister 'yon, ah.

Napatikom agad ng bunganga si Destiny matapos siyang isumbong ni Mr. Cholas kay Tita Mau-Mau. At kahit hindi na siya lumingon pa, alam kong ramdam niya ang matatalas na titig ni Tita sa kaniya.

Kapag lumingon ka, lagot ka.

"Let's restart our meeting, ladies and gentlemen. And I'm hoping it will be a lot calmer and slower this time. Let us not also, please, forget to respect each other."

Wala ni isa sa amin ang sumagot kay Mr. Cholas. Pasimple pa akong tumingin at sinuri ang ekspresyon ng limang ina sa kabilang table. Lahat sila ay sa iisang tao lang nakatutok ang mga mata. Nababasa ko rin ang matinding inggit, asar, at parang nayayabangan sa mga mukha nila.

Parang kanina nga lang ay sila-sila rin ang nagpapayabangan at nagpapagandahan ng mga mamahaling suot. Subalit nang dumating si Tita Mau-Mau, they were easily over shined.

Bagay nga sa inyo.

"Could someone explain to me what were you discussing before I arrived?" elegante pa ring tanong ni Tita Mau-Mau sa amin.

Akmang magsasalita na ang nakabukang bunganga ni Mr. Cholas nang mabilis siyang naunahan ni Ximena sa pagpapaliwanag.

"Hi, Tita Mau-Mau! I miss you! Wala naman masyadong nangyari. Nagtatawanan lang naman kaming lima tapos sumali si Sandy para lang awayin kami. Pumasok naman bigla si Mr. Cholas at naging instant besties na sila ni Destiny. Kaso hindi pa rin tumigil si Sandy at inaway pa niya kami hanggang sa dumating si Xavielle---Hi, Xavielle! Magsalita ka naman diyan---Tapos po dumating na ang mommy ni Sandy at nung apat pa. Tapos, tapos, dumating na rin ang mga mamie namin---Aray, Ma! Masakit!---Anyway, nag-uunahan sa kakatalak sila pong apat saka nagsalita ang mommy ni Sandy. Tapos nag-usap sila ni Destiny at naging storyteller po si Destiny! Ngii! Hindi mo naman sinabi sa akin na galing ka pala sa future, Desty! Ano nang nangyari sa hinaharap? Sinong nanalong presidente? Kailan natapos ang war? Sinakop ba tayo ng aliens? Totoo bang wasak na ang earth after 3-5 years? Sinong napangasawa ko? Anong---AMPH!"

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon