BS 23

308 44 2
                                    

23. Phobia

//Destiny Vliss//

"Hiniram mo 'yong helicopter sa company ninyo para lang sa birthday ko?!"

"Oo naman! Hindi p'wedeng si Destiny na lang lahat! Mayaman din naman tayo!"

"Agree! Agree!"

"Sino ba talaga ang nagplano? Akala ko talaga walang surprise."

"Hahaha! Plano naming apat siyempre!"

"Ganito kasi 'yon, pinaalam sa amin ni Hope ang birthday mo. She also informed us na aware ka na may surprise at palagi mong nahuhuli kaya parang walang kwenta ang surprise kung gano'n."

"Kaya nagplano kami na bigyan ka ng ideyang walang surprise pero meron talaga. Ang awkward mo nga kanina!"

"Parang iiyak na siya!"

"Kayo kasi! Parang wala lang sa inyo ang birthday ko!"

"Ahh... Ehem... Excuse me," singit ni Tita Hera, mommy ni Ximena. "Nandito rin ako, baka p'wedeng namang pasali?"

Nahiya naman ang tatlo while napangiwi kami ni Ximena. Wala naman akong dapat ikahiya. Nandito kami ngayon sa bahay ni Ximena at na-meet namin si Tita Hera at Lola Freya. Nauna nga lang na umakyat para matulog si Lola Freya kaya kami na lang ang natira. At wala rin pala silang maids. Bukod naman sa may handaan, dito rin kami magse-sleepover.

"Mamie naman!" Sabay ngumuso pa si Ximena.

"Oh, bakit?" Pabirong inirapan ni Tita Hera ang anak niya.

Natawa na lang kami habang nilabas ni Ximena ang dila niya bilang ganti. Grabe. Ang weird nilang mag-ina.

"Pasalamat ka dahil birthday mo ngayon, nak."

"Hehe! Lab you, Mamie!" Then, nag-smack siya ng kiss sa pisngi ni Tita Hera.

Never kong ginawa 'yan kay Mommy.

"Pasalamat ka rin dahil nandito ang mga kaibigan mo. Nakuuu. Totoo nga palang ang gaganda nila! Lalo ka na, Destiny, hija!" Turo niya bigla sa 'kin kaya napa-flip hair ako.

I'm aware. Duh?

"Thank you, Tita," sagot ko nang nakangisi. Pinatong ko na rin ang kutsara at tinidor sa plates dahil tapos na akong kumain.

"Siyempre pati na rin kayong dalawa, Phoebie at Miracle. Kaunting ayos lang din at pak!"

Nagulat naman ako sa pak niya kasi sinabayan niya ng isang malakas na palakpak.

"Salamat po!" Nakangiting sagot ng dalawa at nagtawanan.

"Ako po ba?" pagsali ni Hope. Binigyan pa niya ng wide smile na nakalabas ang ngipin si Tita.

Cute.

"Of course, ikaw rin! Kunin mo lang 'yang salamin sa mata mo, Hope. Mas maganda ka pa kay Jolina Magdangal," sagot sa kaniya ni Tita Hera. "Kumusta naman ang pag-aaral ninyo? Maayos ba?"

Nagkatinginan ang apat pero naunahan ko agad sila sa pagsagot.

"As a new student, Tita, marami talagang bullies. Minsan nabibiktima silang apat pero nothing to worry about kasi I'm here naman," proud kong sagot.

"Tologo?" pagbibiro ni Phoebie.

Nagtawanan naman kami.

Pabirong pinakita ko ang muscles ko at hinalikan ito. "Of course, mah number one fan!"

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Where stories live. Discover now