BS 22

304 46 2
                                    

22. Surprise, Bitch!

//Ximena Reese//

Happy Birthday to me~

Happy Birthday to me~

Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to meeee~~~

It's my day today!

Halata bang super duper ultra omega happy and excited ako?

I'm 16 na! Yippieee!

May suot-suot ako ngayong eyemask habang nakahiga pa rin sa kama ni Destiny. Kanina pa ako gising at nagpapanggap na tulog para... ehem... kunwari ay walang alam sa kung anumang surprise ang ginagawa nila sa baba.

Ano kayang i-re-react ko mamaya? Like...

"OH MY GOSH! HALA! HINDI KO IN-EXPECT!"

"MY GOD! THANK YOU! THANK YOU SO MUCH!"

"OY GRABE! ANG GALING NG SURPRISE! SELEMET NG MEREME!"

AY NGIIIIII!

Hindi ko sure kung paano ako magre-react!

Confident akong nakangiting aso ngayon kasi mag-isa lang naman ako. Hinayaan ko silang bumangon, maligo, kunwari ay kaswal lang na nag-uusap hanggang sa lumabas sila kani-kanina lang. Siguro nagba-bake sila ng cake? Nagbo-blow ng balloons? Nagde-decorate? ACCCKKKK! Excited na me!

Nagdesisyon na akong bumangon dahil Lunes ngayon. Meaning, may klase. Pagtingin ko sa orasan, 6 na ng umaga. Nagising ako ng 4 am. Siguro mga 5:30 sila bumangon. Pero kulang ang oras nila? Ay, baka kasabwat nila ang anime maids at sina Nanny Faye at Manong Fred and also Tita Mau-Mau.

Pagkatapos kong maligo habang kumakanta, masaya akong nagbibihis ng uniform ko nang tumunog ang phone ko. Pag-check ko, nag-text pala si Mamie.

***

From: Mamie Noodles

Happy Birthday, anak! Umuwi ka na mamaya for the celebration. Isama mo na rin ang friends mo, okay? Lola and I miss you! Mwah! :-*

***

Natutuwang nag-type agad ako ng reply sa text ni Mamie with a big smile.

***

To: Mamie Noodles

Yes, Ma! Miss you two at si Lola! Mwwaaaaahhhh!!!

***

Pasuot na ako ng shoes nang may nag-text na naman sa phone. Magiliw ko itong kinuha dahil alam kong nag-reply si Mamie.

***

From: Mamie Noodles

Happy birthday sabi ni Dadie mo

***

Napawi agad ang ngiti ko sa mukha. I gritted my teeth from anger at walang emosyon na pinatay ang phone. Dadie who? Hmph! Umiling-iling ako nang ma-realize na may communication na nga ulit sina Mamie at Dadie.

Pero masaya ba ako? NO!

INIWAN KAMI NI DADIE WHEN I WAS 7!

Ni hindi ko nga matandaan ang bonding namin. Ang alam ko lang, dati ay palagi niya akong tinuturuan na magmi-mick simula noong limang taong gulang pa lang ako. Tapos noong na-master ko na, he vanished.

TAPOS NGAYON BABALIK SIYA?!

When the world needed him the most, he vanished. Ay, char! Lakas maka-Avatar: The Last Airbender lang.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن