BS 24

285 45 2
                                    

24. Bitch Book

//Ximena Raelyn//

"La la la la la," masaya ako ngayong kumakanta mag-isa sa kwarto.

Kakatapos ko lang manood ulit ng Mean Girls. Mga ilang milyong beses ko na ata paulit-ulit na pinapanood iyon.

Grabe kasi. Mas gusto ko talaga si Regina George kaysa kay Cady Heron. Parang si Destiny. Parehas silang bitch. Ang pinagkaiba lang ay hindi malandi si Desty-veyvhii. Young and bold naman ang pinagkapareho.

Gusto ko rin si Karen. Ewan ko lang bakit. Basta gusto ko si Karen.

Kaya ngayon, instead of making a Burn Book ay gagawa ako ng scrapbook. Ano kayang magandang title? Hmm.

Aha!

Yes! That would be great!

Bitch Book.

"Anak? Anong ginagawa mo?"

Medyo nagulat pa ako kasi biglang dumating si Mamie. Jusko.

"Ahh. Gumagawa ng scrapbook para sa squad," sagot ko.

"Oh, sige. After mo niyan, bumaba ka na," utos niya.

"Yezz, Mamie!"

Nakangiting umalis si Mamie kaya mabilisan kong inayos ang designs at pictures. Bababa na? For dinner? Anong oras pa nga lang, eh. Sabagay, hungry naman me. After kong tapusin ang designs ng half of the scrapbook, lumabas na ako sa kwarto para bumaba.

"Ximena, umupo ka," malambing na utos ni Mamie.

Umupo agad ako nang nagtataka. Asan ang foods? Naguguluhan akong tumingin kina Mamie at Lola Freya pero mas feel kong matakot na lang kasi ang creepy nila kung tumitig sa 'kin.

"B-bakit po?" nauutal kong tanong.

Bakit I can see fear in their eyes?

"Your Dadie's coming home."

***

"AAAAHHHHHHHHHHHH!"

"Sige, go lang, Ximena!"

"Sigaw pa, girl!"

"Go, Ximena!"

"Tama na 'yan, bebe!"

Sigaw lang ako nang sigaw. Walang pakialam kung mapaos man ako. As long as nailabas ko na lahat ng sakit sa damdamin ko. I screamed hanggang sa tuluyan na nga akong napagod at tumigil. Kaso may natitirang inis pa rin akong nararamdaman.

"Oh! You okay?" tanong ni Destiny bago ako abutan ng Gatorade na kinuha niya lang kay Phoebie.

Nakasimangot akong tumango at binuksan ang Gatorade para inumin. Medyo naging okay ang lalamunan ko. By the cutie way, nasa loob kami ng kakahuyan. Oo, walang halong biro. May kakahuyan kasi ang daanan papunta sa Triumph High.

Moreover... Ay, wow. Maka-moreover naman. Hehehe. Tama kaya ang paggamit ko ng word? Eh. Whatever. Moreover, inaya ko sila na after class ay pumunta kami sa lugar na kami lang at p'wede akong sumigaw. Hindi ko naman expected na rito kami dadalhin ni Destiny. Baka siguro sa kakasigaw ko, 'yong nakadinig ay aakalaing may ligaw na kaluluwang sumisigaw dahil humahanap ng hustisya.

Bigla tuloy akong nag-shiver dahil sa takot at sa malamig na hangin. Pasado 5:00 na at mag gagabi na rin. Bahala na kung pagalitan nila ako. Galit pa rin me!

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Where stories live. Discover now