BS 35

131 41 2
                                    

35. Changes

//Destiny Vliss//

Maraming nagbago.

Magtatatlong buwan na ang nakalilipas nang inanunsyo sa buong bansa ang pagkakaroon ng bagong may-ari ang Triumph High.

Hindi lang ang balitang iyon ang pumutok. Pumutok rin ang mga ugat sa ulo namin nang sumikat ang apelyido naming Joensen sa publiko.

Nalaman na lamang namin na kabilang na si Mommy sa listahan ng pinakamayayamang tao sa Pilipinas. Dapat nga'y number one siya, kung alam lang sana nila ang legit net worth ni Mommy. Dapat nga rin ay kabilang ako. Hmph.

Sa isang iglap, biglang nagsilitawan ang mga mukhang ni minsa'y hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko na nagpapakilalang kamag-anak daw namin sila.

Marami namang gustong makipag-business partner kay Mommy kaya mas naging busy siya lalo.

Marami ring sumubok na kumaibigan sa akin. May pa-chat-chat pa ng "Hi, Kumain ka na ba?" Psh.

May mangilan-ngilan ding journalists na sumubok alamin ang tungkol sa pribado pa naming buhay.

Mga chismosa at chismoso talaga.

Subalit wala ni isa sa kanila ang nagtagumpay.

Higit sa lahat, maraming nagbago sa Triumph High.

Lalo na para sa mga kaibigan ko.

Kung noon ay inaapi sila, ngayon ay hindi na. Sa halip ay iniiwasan na sila ng mga kapwa namin mag-aaral. Hindi na sila binabangga sa paglalakad, tinatawanan, kinukutya, iniinis, inaaway, or kung ano pa mang harap-harapang pananakit.

Kung noon ay kilala sila bilang mga talunan, ngayon ay kilala na sila bilang mga kaibigan ng anak ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Kung saan ay kino-consider ng publiko bilang malaking achievement.

Tuluyan na rin akong nakilala bilang Queen Bitch at hindi na A Loser Queen according to what Liyah said noon sa canteen.

My reign finally started sa Triumph High.

The Queen Bee? Self-proclaimed pa ring queen bee siya.

I bet galit na galit siya and her friends, hindi lang sa akin, kundi pati na rin sa buong angkan ng pamilya ko dahil na-expel at nalipat sa ibang I don't know where na school ang best friend nilang mop eater. However, kapansin-pansin nga lang ang patuloy na katahimikan ni Liyah magmula pa noong scene sa canteen.

Along with her friends, bukod sa pananahimik, hindi na rin nila magalaw pa ang mga kaibigan ko. Subukan lang talaga nila lalo na si Caroline. Kung nagawa kong paalisin si Sandy rito---I won't forget to credit Mommy for that---sila pa kaya.

The XYZ Gang?

The same as usual. They're always busy. Pareho lang naman kaming third year students. Kaya alam kong marami ngang school works. Plus the fact na gangsters sila kaya kung ano-ano pang mga shenanigans ang pinanggagagawa nila sa kanilang buhay. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako nasasabihan kung kailan magaganap ang Ritual ko?! Inabot talaga sila ng three months preparation?

O baka naman ay kinalimutan na nila? Oh, my bitch.

Argh. Bakit ko pa ba kasi hinihintay? Ano pa bang hinahanap ko? Nakuha ko naman ang mga gusto ko. Power. Reign. Squad---almost. Bakit parang gustong-gusto ko pang ma-validate ako ng XYZ Gang? Ugh.

"Destiny..." malambing na tawag ni Miracle sa pangalan ko.

Sumingkit agad ang mga mata ko dahil alam ko kung ano na namang kailangan ng babaeng 'to sa akin.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Where stories live. Discover now