BS 21

313 45 2
                                    

21. Shopping

//Destiny Vliss//

"Kayong mga bata kayo, oo..." Sinabayan pa ni Nanny Faye ng pag-iling.

Babalikan na sana namin siya kanina, kaso unang nahanap niya na kami nang eksaktong papaalis na kami sa tacos stall.

"Hehehehe. Sorreh!" pabirong sagot ni Ximena. Saka agad niyang kinuha ang mga dala-dalang pinamili ni Nanny Faye.

Lumipas ang ilang minuto, naglalakad na kaming anim ngayon sa parking lot ng mall patungo sa aming van. Nakakahiya nga sa part nila, kasi sila lang ang may dala-dala, habang nakapamulsa lang ako. Bakit ba? Wala na rin naman akong dapat bitbitin.

"Sugarboo! Ba't antagal-tagal n'yo?! Naghihintay ako dito for... ano... too long!" singhal ni Manong Fred. Mabilis niya ring kinuha ang mga dala-dala namin---I mean, nila.

"Ayyiiieeee!"

"Sana all may ka-sugarboo!"

"HAHAHA! Kenekeleg akooo!"

"HAHAHAHAHA!"

Kantyawan nilang apat. Namula naman si Nanny Faye sabay umiling-iling kaya mas lalo silang nagkantyawan. Natawa na lang ako dahil do'n.

Mga baliw.

"Paano ba naman kasi... Lumisan sila kanina kaya nagkukumahog ko silang hinanap. Mabuti na lang, dumatal na ako kanina malapit sa mga piging saka ko sila naapuhap!"

What?

Pakurap-kurap kaming nagkatinginan. What did she said? Nakaawang ang bibig ko, then secretly shake my head at them. Hudyat na 'wag na silang magtanong pa. Mukhang na-gets naman nila kaya ipinagkibit-balikat na lang nila 'yon.

Habang naglalandian sina Nanny Faye at Manong Fred, at tinutukso naman sila ng apat, pasimple ko namang binuksan ang phone ko. I sighed when Mom's message pop out first.

***

From: Mom

Vliss, I'm truly sorry

***

You're not.

"Desty! Ano na next?!" Baling sa 'kin ni Ximena.

Pinatay ko agad ang phone ko at ibinulsa ito. Hinarap ko naman sila and faked a smile.

"Shopping?"

***

Naka-lock arms kaming lima na naglalakad sa loob ng mall. Naunang umuwi sina Nanny Faye at Manong Fred. At ngayon, pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. Either nakakaagaw kami ng atensyon or hindi sila makadaan. Oh, well, as long as masaya kaming lima.

"Guys! Look! Costume store!" Turo pa ni Ximena, tuwang-tuwa. Nagmamadali siyang tumakbo papasok ng costume store kaya nagtatawanan kaming sumunod sa kaniya.

"HAHAHA! Ako si Lisabog, kabaligtaran ni Lisa!" biro ni Ximena pagkatapos suotin ang magulong yellow na hairwig.

"HAHAHAHAHAHA!"

"Ikaw ata ang nawawalang kapatid ni Spencer sa TikTok! HAHAHA!" biro ni Phoebie.

Sino?

"Tignan niyo! May mask dito ang monster ni Frankenstein!" Winagayway pa ni Miracle ang tinutukoy niyang mask. Sabay-sabay kaming mabilis na napatingin at napaturo kay Hope.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum