BS 20

316 45 2
                                    

20. Blessed Sunday

//Destiny Vliss//

"Required ba talaga?!"

"Yep!"

"Ang aga pa nga!"

"Kasi maagang nagsisimula!"

"Masakit pa ang katawan ko. Ang likot n'yo kasi kagabi!"

"Kasalanan ba naming eksaktong kasya tayong lima sa kama mo?"

"Si Ximena ang pinakamalikot! Nasapak ako sa mukha!"

"Hindi ko naman sinasadya! Tulog nga ako!"

"Hindi lang naman ikaw. 'Yong anghel nga riyan, nasipa ako! Nahulog tuloy ako sa sahig!"

"Hehe... Peace be with you!"

"At least hindi ako humihilik matulog, hindi gaya ng naka-eyeglass diyan!"

"Excuse me! I don't snore!"

"AY DIYOS KO! KAAGA-AGA'T NAGSISIGAWAN Na KAYO!"

Nagulat na lang kami nang biglang pumasok sa kwarto ko at nang-sermon si Nanny Faye. Nakahawak sa kaniyang balakang ang dalawa niyang kamay at may hair rollers pa sa buhok.

Pfft. Our bad.

"May pupuntahan ba kayo?" tanong niya. Napairap naman ako.

"MAGSISIMBA PO KAMI!" masigasig na sagot ni Ximena.

"Talaga?! Oh, sige, sige! Maligo na kayo't magbihis. Agad na rin naming ihahanda ang agahan n'yo. Bilisan ninyo't sasama ako nang makapagsimba rin ako."

Umandar na naman ang deep Filipino words niya. Nosebleed.

"Vliss, hija, kakaalis lang ng mommy mo, nagmamadali." I nodded. Whatever. "Oh, siya, sabay na kayong maligo para mabilis!"

What the bitch...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"ANG ARTE MO NAMAN DESTINY!"

"YIEEE! PAYAG NA 'YAN!"

"BABAE NAMAN TAYONG LAHAT EH!"

Bumalik agad ang bitch face ko. Mga babaeng 'to. Nagulat lang naman ako. Kailangan ba talagang sabay maligo? Gaano ba kaaga ang mass?!

Natatawa nang lumabas at nagpaalam si Nanny Faye sa amin. Meanwhile, hindi pa rin tumitigil ang apat sa kakatawa. 

"MAGHUBAD KA NA VEYVHII!"

MAGHUBAD PALA HA...

"Oh, my gosh!"

Proud akong nakangiti sa kanilang apat nang WALANG SAPLOT. Ano kayo? Maganda ang katawan ko!

"What?! Maghubad na rin kayo! Bilisan daw, 'di ba? Psh." Nag-flip hair ako at chin up na pumasok sa loob ng banyo. I looked at them sharply when I noticed they were still stunned.

"BILIS!"

***

"IN THE NAME OF THE FATHER, AND TO THE SON, AND TO THE HOLY SPIRIT---"

"AMEN!"

Ganito ba talaga sa simbahan?

Seryoso ang lahat na nakikinig sa pari, pati na rin ang mga kasama ko. Pakiramdam ko tuloy ako lang ang nag-iisang demonyo sa simbahan na 'to. Sinusunog na ba ang kaluluwa ko?

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Onde histórias criam vida. Descubra agora