BS 15

316 46 2
                                    

15. Phoebie

//Destiny Vliss//

Hmm...

Anong mas masarap kainin? Chocolate or bread? Cake or ice cream? Cookies or cream?

Wala talaga akong kwenta mag-joke.

However, nagugutom na talaga ako. Sinong hindi? Wala na naman si Mommy. Si Nanny Faye ay nag-groceries pa. Ang mga food na natira sa ref puro desserts. Puro matatamis. Baka magka-diabetes pa ako niyan. Wala bang hot and spicy? Like me?

"Ma'am, hot and spicy ba kamo? Oh, 'eto, bell pepper, kainin niyo," sabat bigla ng isa naming maid. Halos mapatalon naman ako sa gulat dahil sa kaniya.

Oh, bitch...

"Kung ipakain ko kaya ng buo 'yan sa 'yo? Gusto mo?" pagmamaldita ko sabay cross arms. Sinong tanga and not-so-bitch ang gustong kumain ng bell pepper?

"Luh! Grabe naman! Siyempre hindi! Sinong tanga ang kakain ng bell pepper? Si Ma'am talaga!" Feeling close niyang sagot.

Halos maningkit ang bitchy eyes ko dahil sa kaniya. Mind reader ba 'to?

"Ewan ko! Ba't ako ang tinatanong mo?! Diyos ba ako?! At paano mo nga ba nalaman na gusto kong kumain ng hot and spicy?! Mind reader lang?!" inis kong bulalas. Grr! Kalma, Destiny. Kalma. Masyado kang bitch para ma-stress.

"HAHAHAHHAHAHAAHHAHAHA!" Nagulat na lang ako sabay atras nang bigla siyang humalakhak. Baliw ba siya?! Paano siya napasok rito?

"Yes, Ma'am. Mind reader ako. And no, Ma'am, hindi ka Diyos. Hindi ka rin Diyosa. Tao ka, Ma'am." Hindi ko alam kung namimilosopa ba siya or sadyang may sayad talaga siya sa utak.

"Ahh, mind reader pala, ah." Ngisi ko pa. "Sige nga, anong iniisip ko ngayon?"

Bigla siyang napatingala sa taas ng kisame with matching tapik-tapik pa ng hintuturo sa gilid ng noo. Pinag-iisipan talaga.

"Iniisip mo ako! Yiieeeehhhhh! Si Ma'am! Iniisip ako!"

"Paano mo nalaman?! Wow! Mind reader ka nga!"

"Yes naman! Ako pa?!"

"Fabulous! Oh, eh, anong iniisip ko tungkol sa 'yo??"

"Yiieeehhhh! Ano nga ba, Ma'am? Dagdag sweldo? Yiiiieehhh!"

"Oh, bitch. You're wrong! Pinag-iisipan ko kung tatanggalin na ba kita sa trabaho!"

Napangiting tagumpay ako matapos makita ang namumutla niyang mukha. HAHAHAHAHA! Nasa akin ang huling halakhak. Nag-flip hair muna ako bago iwanan ang naestatwa niyang katawan. 'Yan kasi. Feeling close, hindi naman bitch. May dagdag sweldo pang nalalaman. At anong sinabi niya kanina? Ako? Hindi Diyosa? Bitch please!

"HALA MA'AM! Joke lang, Ma'am! Joke lang! Narinig kasi kitang bumubulong-bulong! Hindi talaga ako mind riiiiderrrrr!"

Nasa staircase na ako nang sumigaw siya. Napangiwi naman ako dahil sa mind riiiiderrrr niya.

Balakadyan! Magdusa ka!

Pagkapasok ko sa biiiiitttcchhhyyyy bedroom ko, napadapa ako sa malambot kong kama habang isinasayaw ang nakaangat kong mga paa.

"Asan na 'yon?" tanong ko sa sarili.

Where's my bitchy laptop?

"Got it!"

Matapos mahanap, I searched for our group chat sa Messenger, just to find out na tinadtad na pala nila ng daan-daang chats ang GC. Napangiti na lang ako dahil sa paghahanap nila sa akin.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Where stories live. Discover now