BS 12

343 50 2
                                    

12. Other Side

//Miracle Raelyn//

Good morning!

Ang saya-saya ko at sobrang excited! Makakasama ko na kasi ulit sina Destiny. At the same time, kinakabahan din. Baka kasi lumevel-up na ang mga kalokohang naiisip niya. Kapag nangyari 'yon, baka itakwil na talaga ako ng pamilya kong perpekto.

Hinanda ko na ang sarili ko para maligo. Pagkatapos ay sinuot ang uniform ko at black socks. I know na white socks lang dapat, pero mukhang nasanay na at walang magagawa ang school sa katigasan ng ulo ko. Rule breaker po talaga ako. Hehehehehe...

Hindi ko na inabalang magpaganda pa. Suklay-suklay lang tapos pabango. Ayoko namang maglagay ng pulbos, baka ma-dry lang ang face ko. Para na tuloy akong namumutla lalo na ang namumuti kong lips.

After my routine, bumaba na ako para mag-breakfast. Psss... Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Ugh. Umiling-iling at peke na lang na ngumiti. Mabuti na lang talaga hindi ko kapatid ang kontrabida kong pinsan. Wait lang.

Hmmmm... Ambangooooo.

"Good morning, Ya," pagbati ko kay Yaya Mela.

This time, totoo na ang ngiti ko. Paanong hindi? Ang sarap-sarap kaya ng luto niya. Mas masarap nga lang iyong ulam ni Phoebie kahapon. Ugh, nag-crave ako!

"Good morning din nak. Umupo ka na at kumain. Na-pack ko na pala ang baon mo," sagot niya and served my meal. BACON! BACON! BACON!

Ang swerte ko talaga sa yaya ko!

"Si Dad at Mom po?" tanong ko habang nagsisimulang kumain. Although, expected ko naman ang isasagot niya.

"Umalis na. May urgent meeting daw sa business ata," she responsed.
Napatango na lang ako at inalok siya na sumabay kumain, which is hindi naman niya tinanggihan. Parehong kaming kumakain, at the same time ay nagkukwentuhan. Siyempre, about kina Destiny, Hope, Ximena at Phoebie ang topic.

Destiny, the bitch and cool new girl.

"Naku! Masaya ako para sa 'yo, nak! Basta, ha? 'Wag lang sumobra," paalala pa niya.

Sa tuwing iniisip kong walang may pakialam sa akin dito sa bahay, saka ko maaalala si Yaya Mela. Ang taong mahal at tanggap ako. Sa tuwing tinatawag niya akong anak, nagme-melt ang puso ko.

Sana siya na lang ang mommy ko.

"Opo," sagot ko nang nakangiti.

"Sigurado?" paniniguro niya dahilan para mapawi ang ngiti ko.

Is it about the past?

The past is in the past. Wala na 'yon. Wala na ang dating ako. At hindi na 'yon babalik pa. Hindi na. Umoo na lang ako since hindi niya napansin ang pagbabago ko ng emosyon.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako para pumunta ng school. Tinignan ko naman ang phone ko at napangiti nang makitang online na ang lahat sa GC namin na ginawa ni Destiny kagabi. Friends GC!

***

Friends GC (♥ω♥*)

JUN 4 AT 7:05 AM

Ximena:
Good morning, Philippines!

And hello world!!! :-D

Phoebie:
Good morning, guyzz!

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Where stories live. Discover now