BS 32

195 38 5
                                    

32. The Meeting and the Mothers

//Hope Naomie//

Out of anxiousness, I keep rubbing my hands and fidgeting with my fingers. I looked at them, then nervously looked down at the table as I took a seat.

"Ayala, Brinley, Deleon, Fernandez, Guerrero, Harper, Joensen, Martin, Quiin, and Remington. You will all have to stay right here and wait. Excuse me," the principal's secretary announced. Lumabas na rin siya at iniwan kami rito sa conference room ng Triumph High.

Nakakabinging katahimikan ang nanaig sa pagitan naming lahat. Magkakatabi kaming lima na nakaupo sa kanang bahagi ng u-shaped table, habang nasa kabila naman ang limang cheerleaders na nilaglag ko sa article kahapon.

I quickly looked away when I noticed how intense Sandy was glaring at me. Tila nadagdagan ang lakas at bilis ng pagtibok ng puso ko. Kahit na naka-aircon na rito, pinagpapawisan pa rin ako.

Stress sweats.

Inaatake pa rin ako ng kaba nang narinig kong tumunog ang phone ko, hudyat na may natanggap akong text. Kagat labi ko iyong kinuha sa loob ng aking bag saka ito binasa.

***

From: Ximena Ko

Gusto kong magsalita. Mukhang mapapanis ata laway ko kung hindi :'((

***

Omega talaga ang isip bata na 'to.

I decided text her back.

***

To: Ximena Ko

Sodium hydride.

***

"HA?!"

Naningkit agad ang mga mata ko sa biglang pagsinghal ni Ximena. Mas naningkit pa nang makatanggap ako ng message na galing pa sa kaniya. Ang nakakaloka pa ay magkatabi lang naman kami.

***

From: Ximena Ko

HAAA?!

***

Omega.

"Anong problema, Ximena?" pagtataka ni Miracle na nakaupo sa panglima sa ikalabindalawang upuan. She's the farthest from me.

"Anong sodium hydride, Miracle? Huhu..." Ximena asked her.

Napatampal ako sa noo dahil kasalungat ng sagot ko ang ginagawa niya.

"Jusko. Baka ma-expel na tayo dito, tas chemistry 'yang pinoproblema ninyo," busangot na reklamo ni Phoebie.

Bakit tayo ma-eexpelled? E tayo naman ang na-bully---maliban pala kay Destiny.

Pasimple akong sumilip kay Phoebie subalit mabilis niyang akong nahuli kaya binigyan ko na lang siya ng kindat. She smiled and jokingly rolled her eyes at me.

"E si Hope kasi! Tinanong ko lang naman siya sa text kung pwedeng magsalita. Tapos 'yong sagot niya sa akin is sodium hydride daw. E sa slow akong tao e!" naiiyak na sumbong ni Ximena sa kanila. Tinuturo-turo pa talaga ako.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata as a joke kaso mas nagpababy-babyhan pa siya kina Miracle at Phoebie. Jusko. Matalas na matang tinignan ako ng dalawa kaya awkward akong napataas ng isang kilay while slowly shaking my head.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon