BS 3 (Revised)

427 49 3
                                    

3. Meet the Clown

//Ximena Reese//

Savage love, if you wanna, if you wanna break my heart...

"Ximena, that's enough Tiktoking already!" Mommy called out my name.

I pouted as I took off my half face mask, leaving it on the table and grabbing my phone. Pinanood ko muna nang ilang beses ang TikTok video kong sumasayaw sa pinakabagong dance trend habang suot-suot ang maskara sa mukha.

I was smiling as I hit the upload button. Ilang segundo lang ang lumipas nang napuno ng notifications ang phone ko from the likes, comments, and shares my video got.

----------

210 comments

"you're so cool, xxiree."

"notice me please."

"dancerist vs tiktokerist be like."

"heart this if you love xxiree."

"collab po kayo ni niana."

"comment (.) if want mo rin mag-unmask si xxiree."

----------

I giggled upon reading the comments.

I'm a verified tiktoker under the username xxiree. Pinaghalo ko lang ang first and second name ko from my full name na Ximena Reese Delaney. At ang mas nakaka-excite pa ay malapit na akong maka-hit ng almost one million followers.

Hindi talaga dancing ang passion ko but it's one of my hobbies. Luckily, TikTok was created at maaari kong ipakita sa whole world ang galing ko sa pagsasayaw. Kidding. I'm not really that good. Mabilis lang talaga akong matuto, sumunod, at gumawa ng dance steps.

Apparently, everyone was hooked and intrigued by my real face and loves my... What was that again? Ah. Pitik sa pagsasayaw.

Sinadya kong sumuot ng plain black, half face mask upang maitago ang kalahati ng mukha ko every time na gagawa ako ng TikTok videos. Ayaw ko lang talagang makilala ng lahat ang pagkatao ko, lalong-lalo na ng kapwa ko mag-aaral sa Triumph University.

Baka kainin nila ako e.

"Ximena! Breakfast!"

"Coming!"

Pinatong ko ang phone sa table bago aligagang naghubad ng damit at tinapon ito sa sahig. Kinuha ko naman ang school uniform ko mula sa closet at mabilis itong sinuot. I wasn't able to close my button-up shirt dahil narinig ko na ulit si Mommy na tinatawag ang pangalan ko. So I grabbed the first two, not even a pair of socks that I found on the floor. Nagmamadali kong sinuot ang isang pink sock sa kanang paa at ang grey sock sa kaliwang paa. And when I attempted to walk, bigla akong nadulas at pahigang natumba sa sahig.

Ouch...

"Ximena, what was that?" Mommy kept yelling.

"N-nothing!" I yelled back and groaned before supporting myself to get up.

"Bilisan mong kumilos! Breakfast's getting cold!"

"Opo!"

Hindi na sumigaw pabalik si Mommy pero alam akong nakahanda na siya ng isesermon sa akin before breakfast.

Move, Ximena!

I spotted my school shoes under my study table kaya inabot at kinuha ko iyon. Tumayo na rin ako habang iniinda ang sakit ng likod. After stretching a bit, kinuha ko ang pink messenger bag sa kama at kinabit ito sa balikat. Sandali akong natulala sa hawak na sapatos at tila ba'y mayroon akong nakakalimutan, ngunit hindi ko ma-pinpoint kung ano iyon.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Where stories live. Discover now