Chapter 4: Playful Destiny

26.7K 1.3K 326
                                    

Arshen's PoV:

Hindi ko maiwasang mapalunok nang makita na nakalock pa 'yung gate namin. Ayos! Mukha atang wala pang gising ni isa sa amin. Ganon kasi 'yun.

Siguro, I'll take that as an advantage na rin.

Hmm... Ang tanong, paano ako makakapasok sa loob?

Aha! Alam ko na! Aakyatin ko na lang 'yun. Yeah, right. Kaya ko naman. Tutal kalahi ko rin si Spiderman. Kayang-kaya ko na umakyat kahit saan.

I heaved a sigh at niready muna ang aking sarili.

"1...2...3." Pagbubuwelo ko. At makalipas ang ilang sandali, matiwasay na nakapasok na agad ako.

Malawak akong napangiti dahil doon. Sanayan nga lang talaga. Ganto kasi ako kapag tumatakas. If you know what I mean.

Pasipol-sipol pa akong naglalakad papunta sa front door. Meron akong susi nyan kaya hindi ko na kailangan pang mag-alala.

Agad kong binuksan ang pintuan. Aaaahhh! Finally, makakahiga na rin ako sa bed ko. Namiss ko 'yun bigla. Mabuti na lang talaga at walang pasok ngayon.

Automatic na napahinto ako nang makita ang isang pares ng paa ang nakatayo sa aking harapan.

I slowly looked at the owner of them. Pakiramdam ko'y nahigit ko bigla ang aking hininga nang mapagtanto na si Mom pala 'yun.

"Bakit ngayon ka lang?" Ang unang tirada nito. Nakacross ang kanyang dalawang kamay.

"Dumating sa buhay ko?" I said suddenly. Mas lalong sumama ang tinging ipinupukol nya sa akin.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Leigh!"

Napangiwi naman ako dahil doon. Nako po. Naloko na. Tinawag na ako ni Mom sa second name ko. Kailangan kong magready.

"A-Ano kasi, Mom..." Aish. Anong sasabihin ko? "Nakidnap ako, Mom! Nakidnap ako kaya hindi ako nakauwi agad huhu." Todo-todong acting na ang ginagawa ko ngayon.

"Eh bakit nandito ka at nakauwi ka pa kung nakidnap ka ha?" Nakakunot-noo nitong tanong. I bit my lips. Oo nga noh?

Para namang isang detective si Mom at talagang inuusisa ako sa nangyari. Ano nang sasabihin ko nito? Mukha atang hindi effective 'yung kidnap thingy ah.

Hayst. Akala ko talaga ay hindi na ako papaalisin ni ate girl huhu. Okay lang naman sa akin basta kasama ko sya.

Charot lang hihi. Umiiral na naman ang kaharutan ko sa katawan. Ugh! Ano bang nangyayari sa akin ha? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako ganto.

"Joke lang naman, Mom. Nakisleep-over talaga ako sa isa kong frenny." I said at pinasigla pa ang aking boses.

"Bakit hindi ka man lang nagtext sa akin at ininform na hindi ka pala uuwi?" May himig pa rin ng pagtataka sa kanyang tono

She's staring at me intently na para bang tinatantya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Masyado kasi akong nawili kakachika sa kanya kaya ayun, nakalimutan ko na kayong itext."

She heaved a sigh at lihim akong napahiyaw. That means kasi na pasok ang explanation ko sa kanya.

"Sa susunod, ayus-ayusin mo iyang palusot mo, Arshen. Yung kapani-paniwala naman ha." She said. Paano kaya kapag sinabi kong hindi ako nagbibiro?

"Tss. Alam naman naming hindi ka mateteen-nap dahil ang laki-laki mo na kaya. At ano bang pag-iinteresan nila sayo?"

Napanguso naman ako dahil doon. Grabe naman si Mom huhu. Ang cute-cute ko kaya. At ayun ang pag-iinteresan nila.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon