Chapter 9: Indirect Kiss or Not?

23.2K 1.1K 360
                                    

Arshen's PoV:

Bored akong napatingin dito sa katabi ko. Kakatapos lang ng school hours at nandito na naman ako sa place nya.

Hmp. Driver, tagalinis, tagaluto, tagasagot ng assignment, at marami pang iba. Ayan ang peg ko nitong mga nakaraang araw.

Dapat may sahod to eh. Wala na kayang libre sa panahon ngayon. Imbes na nakahiga lang ako sa room ko at nagbabasa ng libro. Pinagsisilbihan ko pa tuloy ang babaeng 'to.

I groaned. Paano kaya kung hindi ko sya nabangga non? Edi hindi nya ako slave ngayon.

Hmm. Pwede, pwede. Eh kaso may pagkatanga-tanga ako. I don't have the rights din naman para magreklamo kasi nangyari na.

Speaking of, taimtim lang na nakatuon ang atensyon ni Yana sa pinapanood namin—— err, sya lang pala kasi busy ako kakabasa ng wattpad.

"Hindi ba sumasakit ang mata mo kakatingin dyan?" Pag-iintriga ko sa kanya. Gusto ko lang makasagap ng chismis.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala akong natatanggap na sagot mula sa kanya. She acts as if she didn't heard anything.

Pero hindi 'yun ang makakapigil sa akin noh.

I faked a cough. "Mahilig ka pala sa mga movies."

Isa 'yun sa mga napapansin ko sa kanya. You can say that I'm quite an observant. Wala lang. There's something urging on me kasi na dapat kong kilalanin si Yana.

I can feel that she's something. I can't take my eyes off her. Ewan ko ba kung bakit.

Sya na ata ang lodi sa cakes ko.

Chos. Straight as a pasta pa rin naman ako.

Mabalik uli tayo sa kanya, again, wala na naman akong natanggap na sagot mula sa tanong.

"Anong movie so far ang pinaka-favorite mo ha?"

"Will you shut your mouth for pete's sake? You're too noisy. Mygoodness." She said with a hint of annoyance on her tone. Napanguso naman ako dahil doon.

"Snobber na nga. Masungit pa." Hindi ko maiwasang sabihin. Oo, alam kong maririnig nya 'yun kasi nga magkalapit lang kami. Nasa couch kami ngayon at nakaupo.

At hindi nga ako nagkamali. Nagbaling sya ng tingin sa akin. Naniningkit ang kanyang mata.

"What did you say?"

"Bingi ka ba? Ang sabi ko, snobber at masungit ka." Pag-uulit ko pa.

Hmp. Hindi nya ba alam na ganon sya?  Pero pwede naman. Kasi may mga taong hindi nila napapansin na ganon na ang behavior nila.

Nabaling ang aking atensyon nang makita ang lumilipad nyang kamao. Oh my. Saan naman kaya 'yun pupunta?

My eyes widen in shock nang marealize ang lahat.

Oh shoot!

*Boogsh*

Pero huli na. Tinamaan na. Naglanding na ang suntok nya huhuhu. At talagang sa precious face ko pa talaga.

I bit my lips. Ang sakit. Gosh. It stings a lot. Ang lakas nya talagang manuntok.

"Bakit ka ba nanununtok? Pangarap mo bang maging boxer?" Nagsusumamo kong tanong. Sapo-sapo ko ngayon ang parteng tinamaan nya.

"Oo. Isa 'yun sa pangarap ko tapos ikaw 'yung punching bag." Diretso nitong turan habang nakatingin sa akin.

Hindi ko maiwasang mapalunok. Grabe na talaga ito. Baka mamaya ay hindi lang suntok ang matanggap ko sa kanya. Baka nga bugbog pa eh huhu.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon