Chapter 33: Jealous Yana

25.6K 1.1K 273
                                    

Arshen's PoV:

It's my free time right now. Wala na rin akong klase sa mga susunod pa. Ang masaklap nga lang eh, 'yung mga friends ko ay may class pa ngayon.

'Yung mga teachers ko lang siguro ang naabutan ng meeting.

I heaved a sigh at itinuon na lang ang aking atensyon sa aking binabasa. I'm here now in the library and obviously, I'm reading a book. Ito ang ginagawa kong pampalipas-oras. Hindi naman ako nabobored.

Actually, kaya gusto ko rin rito sa library ay dahil tahimik. Dagdag mo pa na naka-aircon kaya malamig. Ang sarap tuloy matulog.

I'm reading this book pero hindi ko magets ang flow ng story. Ugh! Parang lumilipad na naman kasi ang isip ko. Hindi ako makapag-focus.

Bigla-bigla na lang kasing lumalabas sa aking imagination ang mukha ni Yana. At take note, masama pa ang tinging ipinupukol nito sa akin.

Napaub-ob na lang ako sa lamesa.

"A penny for your thoughts?" Saad ng kung sino. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Hindi familiar sa akin ang boses ng nagsalita.

Mabilis kong inangat ang aking ulo at isang pares ng mata ang sumalubong sa akin.

My eyes widened in shock. Natigilan ako bigla. Gosh. Ang lapit kasi namin sa isa't isa. Kunting distansya na lang ay maglalapat na agad ang mga labi namin.

Nako, lagot ako kay Yana kapag nagkataon. Magiging dragon ang isang 'yun.

Nang marealize, ako na ang nag-adjust at lumayo.

"Oops. I'm sorry. My bad." She said and giggled. Mukha atang narealize nya na ang kanyang ginawa.

I just looked at her. Hindi ko alam ang sasabihin. Matamang pinagmasdan ko sya. She's gorgeous. Ang mata nya'y nawawala tuwing tumatawa. Masasabi kong asset nya cyun.

"Oh, I'm sorry. Siguro ay iniisip mong ang FC ko na tao. By the way, I'm Emrei nga pala." The girl said and offered her hand.

Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi... But in the end, malugod kong tinanggap 'yun.

I guess, maganda naman sigurong makipagkaibigan noh? Lalo na sa mga katulad nya.

"I'm Arshen."

"Kanina pa kasi kita tinitignan and you look troubled. You know, mas magandang magsabi ng problem sa stranger." At kumindat pa sa akin.

Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya noh? Baka makatulong din sya sa akin at masolve ang aking problema tungkol kay Yana.

I composed myself first. "So I have someone... dahil sa kanya kaya hindi ako makapag-focus dito sa binabasa ko." Pagsisimula ko.

"Really? Mukhang may hint na ako sa mga susunod na sasabihin mo." Nararamdaman kong interesado sya sa mga sinasabi ko. Umupo si Emrei sa aking harapan.

"She's one of a heck woman. She's unique kahit na napakasadista nya." Sabay kaming napatawa dahil sa aking tinuran.

"Because of her, may mga weird akong nararamdaman. Bibilis bigla ang tibok ng puso ko kapag nandyan sya. Para bang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko sya nakikita." Oh gosh. I'm whipped.

"So sweet." Saad ni Emrei at parang nag-iimagine pa.

"But the thing is she's a girl. Err... babae rin naman ako pero ang pinagtataka ko ay bakit ko 'yun nararamdaman? Eh straight naman ako."

Last time I check,ed straight naman talaga ako pero nagbago lang 'yun dahil kay Yana.

Emrei nodded her head. "Okay, gets ko na ang problem mo. Well for me, you just need to accept the fact na hindi ka na straight." Seryoso nitong saad sa akin.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon