Chapter 27: Meeting Yana's Dad

20.3K 1K 376
                                    

Arshen's PoV:

"Pupunta tayo sa house namin mamaya. Ipapakilala na kita kay Dad."

Tandang-tanda ko pa kung paano sinabi sa akin ni Yana ang mga katagang 'yan. The way how her face screams seriousness.

Sa mga sumunod ko pang class ay wala nang pumapasok pang lesson sa isipan ko. Parang lumilipad kasi si brain. Naging lutang bigla.

Kanina ko pa kasi pinoproseso 'yung sinabi ni Yana. Mygoodness! To say that I'm surprised is an understatement on what I'm feeling right now.

Para tuloy nagsisisi na ako sa ginawa kong desisyon. Hindi ko naman alam na aabot pala sa gantong punto eh huhuhu. Hindi ko man lang napredict at naging handa sana ako.

Gosh. Anong gagawin ko?

Kung si Yana nga ay dragon na, paano pa kaya ang Father nya? Sana naman ay mabait yl'yun huhu.

"Hey, Arshen. Dismissal time na." My seatmate said to me. Napatingin naman ako sa aking wrist watch at tama nga sya. Hindi ko na napansin pa ang oras. I'm too pre-occupied.

"Okay ka lang ba?" Dagdag nito. Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Oo naman. Okay na okay ako." At nagthumbs-up pa.

After that, I quickly gathered my things up. Nang maayos ay agad na rin akong tumayo at lumabas na ng classroom katulad ng mga kaklase ko.

I quickly made my way to Yana's place. Kung ikukumpara sa ibang araw, ngayon ay parang nanghihina ako. Wala ako sa mood.

I heaved a sigh at napailing na lang sa kawalan.

Tamang-tama ang dating ko dahil nakita kong nag-aayos pa lang ng gamit si Yana. Hindi ko maiwasang pagmasdan sya. She's really beautiful kahit na wala naman syang ginagawa.

"Close your mouth, Arshen. You might catch a fly." Ang kanyang boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. I blinked continuously.

Hindi ko man lang napansin na nandito na pala sya sa harapan ko.

"I know that I'm gorgeous. Don't state the obvious." At nagflip-hair pa.

I faked a cough. "T-Tss... Ang hangin mo talaga." Ang tangi ko na lang nasabi.

"Tara na nga."

Mabilis na kumapit sa akin si Yana at agad na pinagsaklop ang kamay naming dalawa. Our fingers are entangled with each other leaving no spaces between our fingers.

I bit my lips. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Pati na rin ng kakaibang pagtibok ng puso ko.

"Yana, kapag ako talaga nagkaroon ng sakit sa puso, ikaw ang sisisihin ko." Turan ko at sinamaan sya ng tingin.

"Excuse me? Ano na naman bang ginawa ko sayo?" Masungit nitong asik at tinaasan pa talaga ako ng kilay. I rolled my eyes on her. Akala nya ay sya lang ang may kaya ha.

I heaved a sigh. Ang hirap naman kasing iexplan eh. Ang hirap iput into words.

Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lang namin ang aming paglalakad papuntang parking lot. She's still clinging on me. Same with our hands, magkahawak pa rin.

Siguro ay masasanay din ako sa gantong sitwasyon namin.

We stopped in front of my car. I opened the door for her. Nang okay na ang lahat, inistart ko na ang engine at nagsimula nang magmaneho.

The ride was silent. Tanging ang tunog lang ng radio ang maririnig sa loob ng sasakyan.

On my peripheral vision, nakita kong nakatingin lang si Yana sa labas.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon