Chapter 14: Coffee Shop Incident

21.4K 1.2K 531
                                    

Arshen's PoV:

Malayo pa lang pero tanaw na tanaw ko na ang nakasimangot na mukha ni Yana. Magkasalubong ang dalawang kilay nito habang nakacross ang dalawa nyang kilay.

She's impatient, I know that. Pero katulad nga ng sinabi ko dati, ang tagal magpadismiss ng Prof huhu. Lalakarin ko pa papunta rito sa building nila.

Hindi ko maiwasang mapangiwi. Nako po. Mukhang masesermunan na naman ako ng mahal na reyna. Dibale, medyo nasasanay na rin naman ako sa nangyayari.

I gulped. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Grabe na kasi sya kung makatingin. Napakatalim. She's eyeing me intently.

"Yana, wag ka nang magalit. Ang ta—" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang maramdaman ko ang isang bagay ang tumama sa aking dinadaanan. Unti-unti akong nawalan ng balanse.

Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ata ang unlucky day ko. Hindi pumapanig sa akin si swerte.

Automatic na nanlaki ang aking nata nang marealize na maisasama ko pala sa aking pagbagsak si Yana dahil sa kakaunti na lang ang distansya naming dalawa.

Agad kong pinagpalit ang posisyon naming dalawa. Ayos na sa akin na ako 'yung pagbagsakan nya.

Napapikit ako nang mariin nang maramdamang tumama sa akin ang sahig.

Mygoodness! Ang sakit huhuhu. Dibale, dahil naman 'to sa hindi ako tumitingin.

Gosh. Yana smells so good. Ang bango nya. Complete package na ata ang isang 'to. Medyo sablay nga lang sa attitude.

Nakapikit pa rin ako. Hindi ko kayang salabungin 'yung mata nya. Nagsimula akong magkapa-kapa hanggang sa mahawakan ko ang isang bagay.

Owemji! Ang lambot! Ano kaya 'to?

Hindi ako nagdalawang-isip na pisilin kung ano man 'yun.

Suddenly, I just felt that Yana's no longer on top of me. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at ang matatalim nyang tingin ang unang sumalubong sa akin. Parang nagliliyab ang mata nya sa galit.

Mabilis akong napatayo dahil doon.

I was about to say something when I felt her palm landed on my face.

*Pak!*

"Bakit ba lagi na lang 'yung dibdib ko ang pinagdidiskitahan mo ha? Ugh!" She exclaimed. Hindi ko maiwasang mapalunok. Galit na galit si Yana.

Gosh. So does that mean, 'yung dibdib nya ang nahawakan ko kanina? Mygoodness.

"H-Huy, grabe ka naman! Aksidente lang kaya 'yung nangyari. Hindi ko sinasadya." Kinakabahan na talaga ako sa ngayon.

"Then why did you fucking squeeze them huh?!" Nangingitngit nitong asik sa akin.

I bit my lips. This is so embarrassing.

Pano ko ba 'to ieexplain sa kanya? Aksidente lang talaga ang nangyari huhu. Siguro, reflexes na lang ng katawan ko.

"Hindi ko naman alam na gagawin ko 'yun eh! Nafeel ko tuloy 'yung malambot mong——" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang maramdaman ko ang pagdapo muli ng kanyang palad sa aking pisngi.

"Argh! Ang pervert mo talaga, Arshen!" Singhal nito sa akin. Napakasama na ng timpla ng kanyang mukha. Natatakot na talaga ako ngayon huhu. Sige na, tatanggapin ko na 'yung pagka-pervert ko.

"Subukan mo pang magsalita, ito na ang tatama sayo." At itinaas pa ang kanyang kamao. Mabilis akong tumango bilang sagot.

Natuptop ko ang aking bibig. Nako po. Lagot ako nito. Kailangan ko lang syang sundin. Oo nga tama. Ayaw ko na kasing masuntok. Paniguradong masakit 'yun.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon