Chapter 17: Night-Out

24.7K 1.1K 392
                                    

Arshen's PoV:

"Fren, pupunta ka ba?"

"Huh? Saan ba?" Napatigalgal naman ako. There's a part of me na excited. May lakad na naman kami eh.

"Sa langit." Seryosong turan ni Luxxe habang nakatingin sa akin. "Imemeet natin si San Pedro." Dagdag pa ni Laney.

My eyes widen in shock and my mouth gaped. Maya-maya pa ay naiproseso na ng utak ko ang sinabi nilang dalawa. Ugh! Sila talaga oh.

"Just kidding." They said at sabay pa talagang tumawa.

While me, isang irap lang ang ibinigay ko sa kanila. Che!

Pero kung totoo man 'yung sinasabi nila, gora ako agad hihihi. Gusto ko rin kasing makita kung ano ang langit atsaka anong feeling kapag nandoon ka na?

Laney heaved a sigh na para bang pinapatigil ang kanyang sarili sa pagtawa. "So here it is... Do you remember Miko?"

Automatic na napatango-tango naman ako dahil doon. Kilala ko ang lalaking yun. Well,  he's one of the troublemaker guy here in the school kasi. And oh, I forgot to mention na he loves parties.

Parang may hint na ako kung ano man 'yun.

"He's throwing a party at lahat ng students ay invited. Pupunta ka ba, Arshen?"

I held my chin at nagsimulang mag isip-isip. Hmm.. Pupunta ba ako later? These past few years kasi ay hindi ako consistent sa pag-alis. Kapag nasa mood lang.

"Ahm... Go ako kapag go rin kayo." I said to them. Parang ang awkward kasi kapag pumunta ako then wala naman akong kasama, diba?

You know naman that I'm a socially awkward person and that thing is not my forte.

Pero, lahat naman tayo ay deserve na magrelax right? Siguro 'yun na ang sign ko. Reward ko na rin sa aking sarili hihihi.

Nakita kong napakamot naman sa ulo si Laney. "Huh? Eh ganon din 'yung sagot ko. How about you, Luxxe?"

"Kung anong desisyon nyo, ganon na lang din siguro ako."

Napaface-palm naman ako dahil doon. Hayst. Minsan talaga nangyayari ay ang ganitong scenario sa amin. Desisyon ng isa, desisyon ng lahat.

"Ganto na lang, Let's go to Miko's party. Matagal-tagal na rin naman tayong hindi nakakapunta ng bar right? Alam kong miss nyo nang uminom." I stepped up dahil walang mangyayari sa amin.

I heard them squealing loudly.

"Mabuti naman at alam mo, fren. Gosh, miss ko na 'yung hard drinks sa lalamunan ko."

Kung ikukumpara sa kanila, mas light drinker ako. Mababa kasi ang alcohol tolerance ko. Kaya alalay lang ako sa pag-inom. Ayokong maging wasted, 'yung tipong baka paggising ko, nasa room na ako ng stranger noh.

We started to get going. Oh before I forgot, dismissal time na ngayon. We're walking in the hallway. Tamang-tama at nagkasalubong kaming tatlo para pag-usapan ang ganong bagay.

Siguro ay nagtataka kayo kung bakit hindi ko kasama ang mahal na reyna slash si Yana. Well, nagtext kasi sya sa akin na sa gate ko na lang sya puntahan.

Ewan ko ba kung paano nya nalaman ang number ko. Exclusive kaya 'yun. Nako, sinasabi ko na nga ba at may pagkastalker din sya.

"Mga fren, dito na ako ha." I bidded my goodbye to them. They nodded their head as a response.

We parted our ways dahil kailangan kong pumunta sa parking lot. Nandoon kasi ang car ko. Habang sila naman ay aantayin nila ang kanilang mga sundo.

I started the engine at nagsimulamg magmaneho. Maya-maya pa, nakita ko ang isang pamilyar na pigura.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon