Chapter 42: The Talk Between Them

22.4K 993 647
                                    

Arshen's PoV:

We started to talk about the job that I'll do. As much as possible ay pinanatili ko ang professional kong postura lalo na't kaharap ko sya ngayon.

We're talking for a while and I can't help but to scan her features. Nagmature na talaga sya. Malayo na rin ang narating naming dalawa.

I want to laugh. I wonder kung bakit kaya pinagtagpo muli kami ng tadhana. Maybe, kailangan namin ng closure? Yeah right. Baka nga 'yun.

Before I forgot, she's not hiding her scars anymore. 'Yung sa pisngi nya dati na tinatakpan ng bandage. I'm glad na Yana gained her confidence when it comes to her insecurities. Mas lalo tuloy syang gumaganda.

"What are you thinking at ngumingiti ka riyan, Arshen?" Masungit na turan ni Yana. I glanced at her. Hindi maipinta ang kanyang mukha na para bang hindi nasisiyahan sa kanyang nakikita.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili at tama nga sya. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako. So weird.

I shooked my head. "That was nothing, Ma'am."

"Nothing my ass. Wag ko lang malaman-laman na babae 'yang nasa isip mo. Tss." She's whispering something na hindi ko masyadong maintindihan.

"Pardon, Ma'am? 'Yung una lang po ang narinig ko. Pwedeng pakiulit?" Nakakunot-noo kong turan. Isang matalim na irap ang natanggap ko mula sa kanya.

Geez. What's wrong with her at naging ganto bigla ang mood nya? Dahil ba 'yun sa nakita nya akong nakangiti?

I faked a cough to lessen the tension on our atmosphere. "So, I guess 1 year ang contract na gagawin natin, Ma'am."

She squinted her eyes to me.

"Yeah, but as far as I know ay hindi lang 1 year 'yun. More years pa ang need and I have the rights if I want to extend our contract." Bossy nitong asik at nagcrossed-arms pa.

I heaved a sigh as a sign of defeat. Great. So great. Bakit ba kasi pinirmahan ko agad 'yung kontrata nila?

Pero hindi ko pa rin maiwasang mapahanga kay Yana. She knows what she's doing. 'Yung tipong mapapasunod ka talaga. O baka naman kasi takot lang ako sa kanya kaya ang ending, sunod agad sa utos ni Commander.

"I forgot to tell you. May ipapagawa pa rin pala ako bukod sa mall..." She stopped in her track at malalim na napabuntong-hininga. "Dream house. I want that too."

Natigilan ako bigla. Just by her tone, masasabi kong malungkot sya. Pero bakit? At para kanino naman ang dream house na 'yun?

I nodded my head as an answer. She handed me a piece of paper na naglalaman muli ng contract namin. Hindi na ako nag-abala pang basahin 'yun dahil ang haba. Atsaka, parehas lang naman siguro 'yun diba?

"Let's take a picture."

"For what?" Hindi ko maiwasang magtaka. Why so sudden? At hindi naman ako na-inform na may picture-taking pa palang magaganap.

"For documentation. And proof na rin. Duh. Wag kang masyadong mag-isip ng iba riyan." Mabilis nitong saad at umismid pa.

Napakamot naman ako sa aking ulo. Huh? Wala naman akong sinabi ah. Advance naman mag-isip ng isang 'to.

Hindi na ako nagdalawang-isip na umimik pa. Ayaw kong mauwi na naman ito sa bangayan eh. Gusto ko ng peaceful.

We took a pictures for awhile. Sya na ang humawak ng phone nya while me, nakangiti lang ako. Ano ito? Souvenir?

Matapos ang ilang sandali ay tapos na rin kaming magpicture na dalawa. I didn't dare to move from my sit. Hindi ko naman nakalimutan na mag-uusap pa kami ni Yana.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon