Chapter 13: So It's a Date?

23.4K 1.2K 197
                                    

Arshen's PoV:

Automatic nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi nya. Hindi ko maiwasang mapanganga. Tama ba 'yung pagkakarinig ko?

I gulped nang medyo maiproseso na ng utak ko ang lahat-lahat.

"S-Seryoso ka ba?" Nauutal kong turan. Hindi talaga ako makapaniwala. I glanced at her at mariing sinuri ang kanyang expression.

Baka naman kasi ginigood-time nya lang ako diba? O kaya naman nag-iimagine lang ako. Alam nyo namang malawak ang aking imagination.

"Mukha bang nagbibiro ako ha?" She squinted her eyes at matalim na inirapan ako. Now, nakacross na ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib.

Hmp. Ang sungit naman. Parang nagtatanong lang eh.

I'm speechless. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Seryoso si Yana sa sinabi nya.

Should I ask her for dinner? Pero bakit naman? Atsaka, mas lalo lang madadagdagan ang kahihiyan ko sa buhay kapag ginawa ko 'yun huhu.

Pero hindi ko na dapat pa iniisip 'yun. Pambawi ko na lang ito sa ginawa kong pag-iwas. Kakain lang naman kami diba? Wala naman kaming gagawing masama.

I faked a cough. "Bakit mo naman naisipan 'yun, Yana?"

Isang mapait na ngiti ang pumorma sa kanyang labi. "I just want to experience it. Eating dinner with someone."

Natigilan ako dahil doon. Parang nanghina ako nang makita ang pagrehistro ng lungkot sa kanyang mukha.

Automatic na nakaramdam ako ng guilt. Ang galing nya talagang magtago ng emosyon. Pabago-bago. Ang hirap ipredict.

Damn. Parang gusto kong hambalusin ang sarili ko.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. She's looking into something. Pasalamat na lang ako at hindi na sa akin nakatingin ang mga mata nya.

Laging nanghihypnotize kasi ang mga 'yun. Hindi masyadong magfafunction ang utak ko para makapag-isip.

I bit my lips. What should I do next? Aish. Tinatanong pa ba 'yun, Arshen? Syempre kung ano ang tama at dapat.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan.

"Free ka ba later? Pwede ba kitang ayaing magdinner, Yana?" I said at marahang hinaplos-haplos ang kanyang kamay.

Parang naiimagine ko na 'tong kaholding-hands.

Chos. Umiiral na naman ang kaharutan ko.

Ilang sandali na ang nakakalipas pero wala pa rin akong naririnig na sagot nula sa kanya. Napalunok ako dahil doon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.

Nagbago na ba kaagad ang isip nya? Irereject nya na ba ako? Gosh. Nakakahiya talaga itong ginagawa ko huhuhu.

Wala akong nakitang pagbabago sa kanyang expression. Neutral lang ito kaya hindi ko mahimigan kung anong magiging decision nya.

"Okay fine."

Parang nagdiwang bigla ang kalooban ko. Mygoodness! I don't know why pero nakaramdam ako ng saya just by hearing that words. Kahit na parang napilitan lang sya.

"Mga 6:30 na lang kita susunduin namaya ha." Nakangiti kong turan sa kanya. She looked at me for a while at mabilis ding nag-iwas ng tingin.

"Sige na. Umalis ka na. Magkita na lang tayo mamaya." Mataray nitong asik sa akin. Napailing na lang ako sa kawalan bago nagsimulang maglakad papunta sa aking sasakyan.

Now, medyo mapapanatag na ang loob ko. Ang sarap pala sa feeling.

I don't know why but through the whole ride, hindi matanggal-tanggal ang ngiting nakapaskil sa aking labi.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon