Chapter 7: Bossy as Ever

25.7K 1.3K 378
                                    

Arshen's PoV:

Hindi pa tumutunog ang alarm clock ko pero gising na ako. Actually, kanina pa ako gising. Nakahilata lang talaga ako rito sa kama ko. Wala eh. Ang sarap kayang humiga lang. Nakakatamad gumalaw.

Minutes later, I decided na bumangon na.

"Aaahh... Rise and shine, Arshen Cutie." Masayang turan ko sa aking sarili. It's really great na simulan mo ang araw sa good vibes para tuloy-tuloy na sa buong araw.

Nabasa ko lang 'yan. Itatry ko kung gagana ba sa akin.

I checked my face on the mirror at hindi ko maiwasang mapangiti. Ewan ko ba at parang good mood talaga ako ngayon.

Maya-maya pa ay napagdesisyunan ko nang gawin ang aking morning routine. I fixed at niready na ang aking sarili para sa school.

Well, schooldays kasi ngayon.

I don't have anything to worry dahil tapos ko naman na ang dapat ipasa. As a student, ayokong natatambakan ng mga gawain. Kaya as much as possible ay ginawa ko na ang mga kailangan.

Pasipol-sipol pa akong bumababa sa hagdanan. I'm heading to the dining room para kainin na ang aking breakfast. 'Yun na lang ang kulang ko at ako'y gogora na talaga.

"Good Morning Mom, Good Morning Dad." Magiliw kong bati sa aking parents and kissed both of their cheeks. I sat on the chair.

"Si Jane, Mom? Umalis na?" Pag-iintriga ko sa mahadera kong kapatid. Hindi ko pa kasi sya nakikita mula kanina.

"Nako. Siguro ay tulog pa ang isang 'yon hanggang ngayon. Mamaya pa naman daw kasi ang pasok nila." My mom answered.

Napanguso naman ako dahil doon. Hmp. Ang unfair naman non. Dapat kami rin eh. Hmp. Dibale mamaya pag-uwi ko, itutuloy ko ang aking cutie sleep para makabawi.

Napailing na lang ako sa kawalan at sinimulan nang kainin ang aking breakfast.

"Sweetie, mukha atang maganda ang gising mo ah." Napa-angat ako ng tingin nang marinig kong nagsalita si Mom.

I just shrugged. "May nabasa po kasi akong magandang story kagabi." Pag-eexplain ko.

Suddenly, nakita ko ang pagguhit ng ngisi sa kanyang labi.

"O baka naman kasi may nagpapasaya na sayo, Sweetie." Mapaglarong saad nya.

In an instance, biglang nagpop-out sa isipan ko ang mukha ng kalahi ni Zuma. At as usual, masama na naman ang tinging ibinabato nya sa akin.

Ugh. Kelan ba sya papasok sa isipan ko na nakangiti ha?

"Huy, napaisip sya bigla." Nanunudyong saad ni Dad. "D-Dad, naman!" Aish. Pati ba naman sya?

I bit my lips. Nahihibang na siguro ako. Kung ano-ano na lang pumapasok sa isipan ko. Ang lawak na siguro ng imagination ko.

Suddenly, narinig kong tumunog ang aking cellphone indicating na may tumatawag. Agad ko itong kinuha mula sa aking bulsa.

Hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang makitang unknown number ang caller.

Sino naman kaya 'tong tumatawag sa akin ng gantong oras? Ang mga frenny ko ba? Pero kasi may pangalan naman sila rito sa contact ko. 

I didn't hesitate to press the answer button.

"Hello? Sino 'to?" Ang unang pambungad ko. Baka naman kasi nawrong-number lang.

[Arshen.]

My eyes widen in shock. The way the caller calls me, kilalang-kilala ko na kung sino 'yun. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. Mygoodness.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon