Chapter 44: Persistent Yana

22.5K 1K 653
                                    

Arshen's PoV:

"Miss Arshen, may padala po uli si Ma'am Yana para sayo."

"Thanks. Pakilagay na lang dyan sa table ko." I smiled to the staff na nagdeliver ng food. He just nodded as an answer atsaka ginawa ang sinabi ko.

I heaved a sigh. She's really persistent. Hindi ko alam na may makulit din pa lang side si Yana. Gagawin nya talaga kung anong sinabi nya.

Well, you might be wondering kung anong tinutukoy ko. For the past few days, si Yana na mismo ang nagluluto ng food ko. Pinapadala nya rito sa site.

Of course, I refused. Kahit na anong ayaw ko ay hindi nya tinatanggap. Wala na rin akong nagawa kung hindi tanggapin na lang 'yun. Sayang naman kasi ang effort nya.

And oh, she's really good in cooking.

"Ang ganda ng ngiti natin, Ma'am. Mukhang may binigay na naman ang wifey mo sayo." Sabat ng kung sino.

I glanced at that someone. "Ikaw pala 'yan, Blake." He's the architect na kinuha ko. Well, nagtatrabaho na sya sa company ko.

I faked a cough.

"Goodvibes lang talaga ako. Atsaka wala pa akong asawa. Single na single kaya ako."

"Sus. Wag mo nang ideny, Ma'am. Alam naming may namamagitan sa inyo ni Miss Yana. The way she pursues you. Atsaka everytime na nagkukwento ka tungkol kay Miss Yana, parang kumikinang ang mga mata mo." He said.

Hindi ko maiwasang mapahinto. Oh shoot! Is that true? Bakit parang hindi ko man lang napansin?

I heaved a sigh. "Magkaibigan lang talaga kami. Maybe, we have a past pero hanggang doon na lang 'yun."

Blake raised his hands as a sign of defeat.

"Okay fine. I get it. Sayang pa naman. Kung ayaw mo na sa kanya, pwede bang ligawan ko na si Miss Yana?" Isang mapaglarong ngisi ang nakita kong nakapaskil sa kanyang labi.

"No way! Hindi pwede. Bawal mo syang ligawan." I clenched my fist. I hate that thought.

I heard he giggled. "Relax, Ma'am. Tinetest lang kita. Sige na, doon ka na lang sa company magstay. Alam kong namimiss mo na ang iyong love of your life."

"What are you saying? Atsaka, kailangan ako rito." I answered. Kailangan kong mamonitor ang lahat at maging maayos ang paghuhukay.

"Don't worry, Ma'am. Ako na ang bahala dito. Relax ka lang, Miss Engineer. No buts." He said at marahang pinaalis ako.

I frowned. Hmp. Mukha atang wala na akong magagawa pa. I bidded my goodbye to my workers bago tuluyang sumibad papaalis.

Sumakay ako sa aking sasakyan at nagsimulang magdrive papunta sa company ni Yana. Minutes later, nandito na rin ako.

I bit my lips. Hindi ko maiwasang maconcious nang mapansing halos lahat ng nakakasalubong ko ngayon ay napapatingin sa akin. What's wrong with them? O baka naman ako ang may mali?

Geez. I keep my composure at pinakitang hindi ako nabobother. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang top floor. Sometimes, nag-iisip din ako kung bakit doon nilagay ni Yana ang table ko. Oh well, hindi naman ako magtatagal dito sa Pilipinas.

I saw Yana's secretary. Tamang-tama at nag-angat sya ng tingin. I smiled at the girl. "Ahm... hi! Nandyan ba si Ma'am Yana?"

Suddenly, nakita ko kung paano sya namutla bigla. Bakit parang natatakot sya? "Y-Yes, Engineer. Nandyan po sya. Ingat lang po. Bad mood po kasi si Madam."

Hindi ko maiwasang magulat. Geez. Ano naman kayang nangyari sa isang 'yun?

"It's okay. I can handle it naman." Parang may gusto pa sanang sabihin si Miss Secretary.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon