Chapter 23: Conditions

22.4K 1.1K 409
                                    

Arshen's PoV:

"The first thing na gagawin mo is..." She said. 

"Ano?" Hmp. Pasuspense pa eh. Pwede namang tuloy-tuloy na.

She rolled her eyes to me. "Hindi makapag-antay? Atat lang?" Che. Ang sungit naman ng isang 'to. Ang sarap jombagin eh.

"Sleep here. Dito ka matulog for tonight." Finally! Pero wait lang. Ano raw? Tama ba ako nang pagkakarinig ha?

"What? Bakit naman? Para saan?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Wala naman akong natatandaang rason para rito matulog.

Gusto ko naman—— err I mean, medyo lang. Wag syang feeling ha.

Suddenly, something crossed in my mind. Ngayon alam ko na kung ano.

"Siguro namimiss mo na akong katabi noh?" Nakangisi kong turan sa kanya.

Kitang-kita ko kung paano nagbago ang kanyang expression. Naningkit ang kanyang mata at hindi maipinta ang kanyang mukha.

"What the hell?!" She exclaimed at pinaulanan ako ng matatalim na titig.

I chuckled. Medyo nabawas-bawasan na ang epekto nyan sa akin noh. "Sus. Wag mo nang ideny. If I know, crush mo talaga ako."

Now, her face screams so much anger.

Pero nanatili lang akong kalmado. Wala akong dapat na ikabahala. Ngayon ko lang kasi narealize na pwedeng defense mechanism nya lang &yun. Like, pang cover-up lang sa tunay nyang nafefeel.

Ganto kasi' yung scenario na nababasa at napapanood ko.

I heard she heaved a sigh at napapikit nang mariin.

"Oo, gusto kita." Diretsong saad nito sa akin. Now, ako naman ang nagulat dahil sa sinabi nya.

Oh my! Iba pa rin talaga kapag sya na mismo ang nagsabi. Gosh. Baka naman nananaginip lang ako ha. Well, ayaw ko na atang magising kapag ganon.

I faked a cough and composed myself. "Really? Sabi ko na nga ba eh. Mabuti naman at umamin ka na rin. Malay m—"

"Oo, gusto kitang suntukin." My eyes widen in shock and my mouth gaped when she said that.

Hindi pa ako nakakaalma nang maramdaman ko na lang ang pagdapo ng kanyang kamao sa aking pisngi.

Automatic na napasapo ako sa parteng sinuntok nya. "Grabe ka talaga, Yana. Huhu. Pwede ka na talagang maging boksingera." Parang nakakaiyak. Ang sakit eh.

Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay at tinignan na naman muli ako ng masama. Hmp. Nagsasabi lang naman ng totoo eh.

"Isa pang salita mo tungkol dyan, talagang bubugbugin na kita."

Hindi ko maiwasang mapalunok. Siguro kung nakikita ko lang yag sarili ko, paniguradong namumutla na ako ngayon.

"O-Oo na. Sabi ko nga, dito na ako matutulog." I said in defeat. Prevention is better than cure ika nga.

"No. Parang gusto mo pa atang mabugbog eh." A mischievous smirk can be seen on her lips na para bang may pinaplano sya.

Mabilis akong umiling bilang sagot.

"H-Hindi, ayoko na. Eto oh." I said at inabot sa kanya ang cellphone. "Pwede bang ipaalam mo ako kay Mom na rito ako matutulog?"

Well, feeling ko kasi ay naghihinala na sila Mom na may jowa na ako. Gosh. Kung meron lang talaga ay ipapakilala ko na agad.

Atsaka, para na rin alam nila kung sino 'yung huli kong kasama kung meron mang gawin ang babaeng ito sa akin.

Ligtas ang handa.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon