Chapter 47: Untold Scenario

21.5K 1K 547
                                    

Yana's PoV:

"Sweetie, it's the second time around na makita kitang ganyan ngumiti." I startled when I heard someone said that. Mabilis akong napalinga-linga sa paligid at nakitang si Dad pala 'yun.

"I'm really eager to know kung sino ang nagpapasaya ngayon. Gusto ko syang pasalamatan because I can see the happiness in your eyes." Dagdag pa nya.

Napatikhim ako bigla. Fuck. Nahuli pala ako ni Dad. But still, hindi ko pa rin sasabihin sa kanya. Not a chance. Never again. Paniguradong paghihiwalayin na naman kami ni Arshen at ayaw ko ng mangyari 'yun.

"It's nothing, Dad. May naalala lang akong nakakatawa." At pinasigla pa ang aking tono.

Nakita kong napailing-iling si Dad. "Sweetie, no need na magsinungaling ka sa akin. Ilang beses na kitang nakikitang grabe kung mag-ayos at tumingin sa salamin."

Napaiwas ako ng tingin. I mentally cursed at myself. Mygoodness. Ganon ba ako ka-obvious ha? Oh well, ganyan ang nagagawa ng love.

"I know that you're not yet ready and I won't force you na sabihin sa akin. I just hope na that person will protect and love you at all cost."

I smiled again. Of course, Arshen will. Aba, baka masuntok ko sya ng wala sa oras kapag hindi.

Alam at nararamdaman kong mahal nya pa rin ako. At 'yun ang gagamitin kong alas laban sa kanya. Damn. I can't wait for us to get married someday. Kasal na para wala na talaga syang kawala.

Sayang nga at hindi ko man lang naisip na isama 'yun sa kontrata na pinapirmahan ko sya.

'I, Arshen Rivas, is completely declaring that I am Yana's belonging. I'm hers no matter what and she will be entirely taking over me. Hindi ako pwedeng mag-entertain ng iba once na pinirmahan ko na ang kontrata. Ayaw na ayaw ni Yana na nagseselos sya dahil pumapatay sya ng mga sawa at malalandi.

Ang hindi ko pagsunod ay may kaukulan parusa. A punishment with pain and pleasure.'

Tandang-tanda ko pa ang bawat linya na nakalagay sa contract namin. Of course, ako ang gumawa non. Duh.

"Uhm... Dad, I need to go. Baka malate ako sa work." I said to him. Mas magandang makaalis na ako rito. He nodded his head at nagpaalam na rin sa akin.

Mabilis akong pumasok sa aking sasakyan at nagsimulang magmaneho papunta sa aking company.

As you can see, talagang nagbago na si Dad. And I'm glad that it's for the best. Nabibigyan nya na rin ako ng time and affection na dati rati ay hindi ko nakukuha. Nafefeel ko na rin ang presence ng family.

Pero may isa pa rin talagang kulang.

Napahigpit ang pagkakakapit ko sa manibela. Fuck it! I can feel that my chest is throbbing in pain. Ang sakit. Hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin talaga ako.

Bakit kasi hindi na lang tanggapin ni Mom kung anong meron sa amin ni Arshen? Bakit kailangang may kapalit pa?

All I want in life is to be happy.

Malalim akong napabuntong-hininga. This time, sarili ko naman. Sarili ko namang kasiyahan ang pipiliin ko.

Minutes later, I reached my destination. Ipinark ko na ang aking sasakyan sa aking personal space.

I elegantly walked to my company. Katahimikan ang namayani sa loob at tanging tunog lang ng aking hills ang maririnig.

Ramdam na ramdam ko ang mga tinging ipinupukol sa akin ng aking mga employees. Women are admiring me, while men are looking at me as if I'm their prey. Sexy kasi uli ang outfit ko ngayon.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon