Chapter 28: Yana's Reward

22.3K 1K 418
                                    

Arshen's PoV:

"Anong reward ba ang ibibigay mo, Yana?" Isang mapaglarong ngisi ang nakita kong gumuhit sa kanyang labi. She's also shooting me her playful stares.

I gulped. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. At the same time, excited din akong malaman kung ano 'yun. Gosh.

"Sit on my bed, Arshen." Utos nito na mabilis kong sinunod. I don't know pero parang nahypnotize ako bigla ni Yana. Ugh.

She started to walked slowly towards the door. Narinig ko na lang ang pagclick ng isang bagay. Uh-oh. So that means, nilock nya ang pinto.

"Perfect. Wala nang mang-iistorbo pa sa atin." I like it—— argh. Ano bang pumapasok sa isipan ko?

Napapikit ako nang mariin. "Ano ba kasing reward ang sinasabi mo?" At nagkunwaring galit pa.

I really hope na hindi nya maramdaman na kinakabahan na ako ngayon. Knowing this girl, she's a tease and she'll probably take the advantage of the situation.

She raised her arms na parang sumusuko at naglakad papalapit sa akin.

"Oops. First things first, kung gusto mo talagang malaman kung ano ang reward mo..." She stopped for a while at sinulyapan ako ng tingin.

"Spend the night with me, Arshen. Dito ka matulog."

My eyes widen in shock and my mouth gaped. Is this for real?

"S-Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya. While the latter just nodded her head.

I gulped. Ilang beses naman na kaming nagtatabi pero kasi... Parang iba 'yung dating ng sinabi nya sa akin ngayon. May something eh. Hindi ko lang mapoint-out kung ano.

Napatungo ako at nagsimulang mag-isip. Should I consider her request? O wag na?

Minutes later, I already made up my mind. I heaved a sigh. "O-Okay fine." Aish. Oo, nagpatalo na naman ako kay Yana.

Automatic na napangiti sya as a sign ng pagkapanalo.

"Great! Madali ka lang palang kausap eh." Saad nito. Napailing na lang ako sa kawalan. I quickly reached for my phone at mabilis na nagtext kay Mom.

To: Mom

Mom, hindi muna ako uuwi ha. Makikisleep-over lang muna ako sa house nila Yana.

"Very good, Arshen. I'm impressed." I startled when she said that. Gosh. Mabilis na napalingon ako sa kanyang direksyon.

Mabilis na nahigit ko ang aking paghinga. Damn. Ang lapit ni Yana. I didn't expect that. Parang nakakasuffocate.

I faked a cough. "H-Hey... Lumayo ka naman nang kunti." Nauutal kong turan sa kanya.

She's already sitting beside me. I gently pushed her shoulder away. Ngunit mabilis nitong hinuli ang aking pulsuhan. She leaned much closer.

"Hmm... I miss your lips, Arshen."

Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko. Mygoodness. Kung ano-ano na lang talaga ang lumalabas sa bibig nya ha.

"W-What do you mean? Nagkiss naman na tayo kanina ah." I said and laughed awkwardly.

"Bitin. Gusto ko pa ng isa." Hindi pa ako nakakaalma nang maramdaman kong umupo sya bigla sa aking kandungan.

Akala ko ay tapos na... pero hindi pa pala. What surprised me the most is when I felt a soft thing was now pressed on my lips.

Nanlaki bigla ang aking mata. Its her lips. Sure ako.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon