c h a p t e r t h r e e

13.2K 406 58
                                    

      "TITO ERNING, 'YONG TUNGKOL KAHAPON—"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

      "TITO ERNING, 'YONG TUNGKOL KAHAPON—"

"Ayaw ko ng makarining ng walang kuwentang excuses, Megan. Sumakit ang ulo ko kagabi kaka-compute at kaka-novena na magka-ayos na ulit sina Patricia at Ronny." Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa akin sa kanyang leather swivel chair. "Sigurado na akong sisisantihin kita kahapon. Wala na akong pakialam kung magalit sa akin ang kaluluwa ni Kuya. Ilang taon ko na ring tinitiis ang mga kapalpakan mo. Kung hindi ka late, absent, may naiwan, na-order na mali, palpak ka naman."

Bumalik sa isipan ko ang mali kong order para sa kasal nila Ronny na hindi na natuloy and I internally cringed.

Lumapit ako sa lamesa niya. "Tito, please, alam mo na kailangan na kailangan ko 'tong trabaho na 'to. Umaasa sa 'kin sila Mama." At lahat ng nautangan namin sa probinsya.

He rolled his eyes at me. "Alam mo naman pala na kailangan mo ang trabahong 'to pero hindi ka nagpapakatino. Kung 'di ka lang anak ni Kuya, itinapon na kita sa Pasig river."

Napalunok ako. Hindi ko ma-imagine—ako, si Megan Espiritu na wala pang nararating sa buhay at nakasuot ng kupas na ukay, palutang lutang sa ilog Pasig at malamang may basura pa sa mukha. Nakakakilabot.

"Tito naman, ba't ka pa pupunta ng Pasig, e taga Taguig tayo? Puwede bang ipagdasal mo na lang din na hindi na ako ulit magkamali? Less violent 'yon."

"Megan," he dragged out my name na para bang naubos na ang natitirang pasensya niya sa katawan. "Hindi na tatalab ang dasal sa 'yo. Milagro at katinuan ang kailangan mo sa buhay. At sa style ng ginagawa mo, I doubt na mangyayari ang magandang outcome for you anytime soon."

Masakit man at nagbara ang aking lalamunan sa sama ng loob, mas pinili ko na lang ang ngumiti nang mapait at tumahimik. What was the use kung sasagot pa ako? Buo naman na ang paniniwala ni Tito Erning na ako ang pabigat at walang kuwenta niyang pamangkin na isang charity case.

Nakita ko na ang susunod na mga mangyayari. Magliligpit ako ng gamit sa opisina, maghahanap ng trabaho gamit ang inutang na pera kay Weng (kung pauutangin niya pa ako), hindi ako makakabayad for sure, at magagalit siya sa akin. Uuwi ako ng Bicol na luhaan, magagalit si Mama at hindi na makakapag-aral si Markus, hanggang sa mamalimos na lang kami sa lansangan.

My eyes widened. Shit. Marami pa akong pangarap!

"Tito," malambing kong sabi, sinusubukan na hulihin ang kanyang mga mata. "'Wag niyo po akong sisantihin, please. Lahat po gagawin ko! Tatawid ako sa lubid, lulusong sa baha, pe-pwersahin ang mga taong mayaman na magpakasal kahit ayaw nila—everything!"

"Megan, hindi mo maibabalik ang perang naging bato unless na may bago kang kliyente na ipapalit kela Patricia at Ronny." Tumaas ang kilay ni Tito Erning. "Meron ba?"

"W-wala po." He scoffed and I rushed to his side. "Pero maghahanap po ako, Tito! 'Yong may mas malaking budget! Promise talaga. Gagawin ko po ang lahat." Hirap mang banggitin ay pwinersa ko ang mga salita palabas sa bibig ko. "Last chance na po talaga."

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon