c h a p t e r t w e n t y - t h r e e

7.7K 293 89
                                    

         NAGISING AKO NANG tumawag si Lola Dally sa cellphone kinabukasan para sabihing may bisita ako na naghihintay sa patahian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

         NAGISING AKO NANG tumawag si Lola Dally sa cellphone kinabukasan para sabihing may bisita ako na naghihintay sa patahian.

The first thing that came to mind was that my voice was hoarse. Second, my eyes were sore, at ang ikatlo, ang aga pa! I peaked at my phone after the call and saw that it was just a few minutes shy of eight in the morning. Sino naman ang gustong simulan ang araw nila na ako ang kasama ngayong proclaimed na akong malas at walang ambag sa lipunan?

Nang buksan ko ang gate ng apartment para papasukin ang bisita, dalawang bagay ulit ang gumulat sa akin. Una, ang isang box ng mamahaling donuts. Ang pangalawa at pinaka nakagugulat sa lahat ay ang lalaking nakaputing T-shirt.

"Theo?"

There he was, in a plain white T-shirt and washed jeans, flashing me with a gorgeous smile. Kumaway siya at itinaas ang supot na bitbit. "May dala akong donuts baka gusto mo?"

The change wasn't much, but the effect did hit differently. Bagay naman talaga ang kulay itim kay Theo, in fact, he wore it so much that seeing him in a different color felt too astounding. Bukod doon, nagpagupit din siya. His eyes that were once hidden by his hair were now brighter. Kita na ang noo niya, I thought to myself, allowing my eyes the free rein to trace his jaw, his sharp nose, and his charming smile.

Mas guwapo pala siya kapag nakaputi. He walked past me, at nakanganga ko siyang sinundan sa loob ng tirahan ko.

"Ganito pala itsura ng apartment mo." He nodded slowly, carefully taking in the inside of my place at saka umupo sa monoblock sa may salas. Bigla naman tuloy akong nahiya. My apartment wasn't that bad, pero malayo iyon kumpara sa magandang townhouse na tinitirhan niya.

Masikip ito, lumulobo ang pinturang kupas, at may basag na rin ang mga tiles. Nakailang dalaw na rin dito sina Jenna, Weng at Vince, pero ito yata ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng hiya.

Hindi ko alam kung dahil ba sa maayos ang tirahan ni Theo at alam kong mahilig siya sa magagandang bagay bilang artist na nag-aral ng architecture, or I was still reeling from the tough rejections lately.

E baka kasi may gusto ka sa kanya kaya ka insecure? I frowned at my thought.

"Buti alam mo kung paano pumunta rito?" Umupo ako sa harap niya, roon sa kupas na monoblock na nilagay ko sa tabi ng maalikabok na electric fan. "Pinapunta ka ba ni Jenna?"

O baka naman kusa kang nagpunta? Hindi naman ako magagalit kung oo.

"Si Vince ang nag-text sa akin," pagtatama niya at sumandal. Sabi na nga ba, e. Imposible talagang nagkusa ka. "Hindi raw kasi sila makaalis kahapon at pinag-overtime silang lahat. Inaayos nila 'yong nangyari kay Kiana at Derek."

Yumuko ako at pinaglaruan ang napigtas na sinulid sa shorts. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kahit anong gawin ko, mapatama, mapamali, palaging mayroong nadadamay na walang kasalanan.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon