c h a p t e r n i n e

7.7K 296 61
                                    

        HABANG NAGLALAKAD PAUWI, saka ko naramdaman ang bigat ng nangyari kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        HABANG NAGLALAKAD PAUWI, saka ko naramdaman ang bigat ng nangyari kanina. Bumagsak ang mga balikat ko at pumait ang lasa ng binili kong turon sa kanto sa aking dila. Kahit anong nguya ang gawin ko, I couldn't get rid of the feeling of defeat. Para akong sinakluban ng langit at lupa at sinamahan pa ng all bodies of water. At naiwan na nga akong lunod sa sama ng loob at sakit.

Bukod sa nakita ko na ang ex ko kasama ang fiancée niya, mukhang mawawalan pa ako ng artist para sa kasal nila. At kapag umalis si Theo na siyang tanging nakapasa sa standards nila Kiana, ibig sabihin n'on, kailangan ko na rin mag-goodbye sa trabaho.

Sumabay na lang kaya ako sa biyahe nila pabalik sa Bicol kahit sisante na ako? Sa dami ng utang ko siguradong wala na akong pamasahe pabalik.

Pagdating ko sa harap ng apartment, napangiti ako nang makita na bukas ang ilaw sa patahian ng landlord ko. With a grin, I walked faster to where I knew she'd be. At hindi nga ako nagkamali, she was at her usual spot, sa pinaka-unang sewing machine sa may bukana ng patahian. Nakakunot ang noo at seryoso ang tingin sa kanyang ginagawa habang nakikinig sa radyo at nakatapat sa electric fan. I only had to wait for two seconds para makita ang pamilyar niyang habit na pag-angat ng salamin sa kanyang ilong kasabay ang malalim na paghinga.

"Lola Dally, nag-dinner ka na?"

"Ay, Dios Mio!" Gulat na napalingon sa 'kin si Lola Dally bago sumimangot uli. "Bakit mo ba ako ginugulat na bata ka, ha? Alam mo namang nerbyosa ako."

Umupo ako sa tabi niya at inalapag sa lamesa ang dalawang turon na binili ko para sa kanya. "Binili kita ng favorite mo."

She looked at me suspiciously over her glasses. "Ikaw ang may paborito niyan hindi ako. Banana que ang gusto ko at hindi turon. May kasalanan ka nanaman siguro, ano? O 'di kaya problema? Bumibili ka lang ng ganyan tuwing ganoon."

"Grabe ka naman po. Hindi ba pwedeng naglalambing lang? Sa sobrang busy ko sa bago naming kliyente hindi na ako nakakadaan sa tahian mo." Nginuso ko ang pulang telang tinatahi niya "Ito ba 'yong sa kasal sa Q.C?"

"Tapos na 'yon. Ikaw nga nagtahi ng sa abay, 'di mo pa maalala. Kasal ng anak ni Vivian sa October kaya nagpapagawa ng mga gown. Pula daw ang motif kaya pula rin 'yong susuotin ng mga abay."

"Ilan na ba nagawa mo? Gusto mo tulungan kita?"

Dalawa lang ang mananahi na kasakasama ni Lola Dally. Isang maingay na teenager at isang nanay na pareho naming kapitbahay. Madalas pa, hirap silang humabol sa deadline dahil may ibang inaasikaso ang mga mananahi. At seventy years old, hindi na kaya ni Lola Dally na magpuyat, pero she enjoys being a seamstress and designing dresses. Dahil biyuda na at lahat ng mga anak ay nasa abroad, madalas na tumanggap si Lola Dally ng kliyente para may pagkaabalahan, kahit pa ayaw ng mga anak niya.

Hindi namin siya mapigilan na magtahi kahit hirap na ang mga mata niya. All I could do was help her tuwing may sobra akong oras. Pero sa dalas tumanggap ni Lola Dally ng kliyente, mas nauubos pa ang oras ko sa patahian kaysa sa trabaho.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon