c h a p t e r s i x

9K 297 125
                                    

        AMOY NG SIGARILYO ang unang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto para sundan si Theo sa labas ng Silly Strokes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        AMOY NG SIGARILYO ang unang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto para sundan si Theo sa labas ng Silly Strokes. He was sitting by the steps, nakapatong ang mga siko sa hita at nakaharap sa kalsada. Pinag-isipan ko na muna nang matagal kung susunod ba ako sa kanya o hindi. Pero dahil na rin sa pangungumbinsi ni Jenna, naglakas ako ng loob na sumubok. Puwede namang umasa, 'di ba? Baka naman sakali na naawa sa akin ang kapalaran pagkatapos kong madulas.

Pinigil ko ang sarili na magpakita ng kahit anong negatibong reaksyon kahit nauubo ako. Even though I hated the habit of smoking, hindi ko naman kailangan banggitin iyon ngayon.

Mag-focus ka, Megan! Eyes on the prize! Pigilan mo muna ang paghinga mo.

Suot ang isang nahihiyang ngiti ay umupo ako sa tabi niya. I saw how he instantly rolled his eyes kahit na hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Mayroong naiwan na isang ruler na pagitan sa aming dalawa, pero ang gago, umusog pa rin na para bang hindi niya maatim na tumabi sa akin.

Ang arte.

"Theo," panimula ko. Gusto kong masuka sa kung gaano katamis ang tono ko. "Alam kong busy ka. Ang mga talented talaga na tao super busy kaya hindi ko naman pwe-pwersahin na tanggapin mo 'yong project. Kahit portfolio lang muna 'tapos kapag nagustuhan ng boss ko at ng client 'yong mga gawa mo, we can set a meeting or two, and then saka palang tayo pipirma ng kontrata. 'Di ba hindi naman sobrang hassle n'on? You can backout habang wala pang pinipirmahan! Pero sana, you give it a chance."

Pinitik niya ang dulo ng sigarilyo at saka bumuga ng usok. Gray smoke curled from the tip of his half-consumed cigarette and lips. Pinanood ko ang marahan na pagtaas ng usok until it dissipated in the air.

Hay. Ganito pala ang matagalan na second-hand smoking. Nakakabawas ng bait at ng bango. "Hindi na ba masakit 'yong braso mo?"

My mind went blank, surprised by his concern, then I remembered. 'Yong paintbrushes, 'yong basang sahig. Ang pagngawa ko kanina na parang bata. I inwardly cringed.

"Ah." Tumawa ako. "Okay na okay na! Kita mo nga o, nandito na ako kasama ka."

"Marami namang iba diyan," he said after another inhale. "Si Ched, marunong 'yon."

Pero mas magaling ka kasi. "Alam ko naman 'yon pero ikaw ang first choice ng company namin kaya sana mapagbigyan mo 'ko. Wala pa namang concrete na usapan e."

Konkretong threat pa lang ng pagkatanggal ko sa trabaho.

He gave me a quick glance at mabilis akong ngumiti nang napakalaki. "Sino ba kliyente?"

Yes!

"Kilala mo ba si Kiana June?" Umusog ako at lumapit sa kanya. "'Yong vlogger na socialite at anak-mayaman. Artist din siya kaya gusto niya sana na maging very artistic 'yong graphic album ng kasal niya. Kayang kaya mo 'yong gawin! Wala pa kaming official na tawag sa theme niya pero—"

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon