c h a p t e r s e v e n t e e n

7.3K 278 72
                                    

      AS SOON AS THE OPPORTUNITY ALLOWED IT, DEREK CORNERED ME

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

      AS SOON AS THE OPPORTUNITY ALLOWED IT, DEREK CORNERED ME. Nang makaakyat na ang lahat ng mansyon para matulog, at nakahanda na rin si Manoy Robert para ihatid ako pauwi, Derek strode toward me and dragged me all the way back to their private beach.

Kahit umangal si Manoy Robert, hindi iyon pinansin ng lalaking hila-hila ako. He held my arm tightly and I let him, hanggang sa hinihingal kaming makarating sa buhangin.

"Ano 'yon?" he spat, eyes dark with anger and frustration. His slicked-back hair was now unkempt. "Sinadya mo ba na si Ina ang kunin na caterer? Ano bang plano mo, Meg? Gusto mo bang sirain ang kasal ko para maghiganti?"

I shook my head in disbelief. "Higanti? Sa tingin mo ba may mapapala ako kung sirain ko 'yong lecheng kasal mo? Wala, Derek! Alam nating pareho na ginagawa ko 'to kasi kailangan ko ng trabaho. Kailangan ng Elixir ng kliyente kaya pumayag ako na tapak-tapakan mo ang pagkatao ko gaya ng ginawa mo noon. If anything, ikaw ang sumira ng buhay ko sa ginawa ng pamilya mo noon!"

He kept his gaze steady on me, then he pulled at his hair and cursed. "Ah fuck this! Ayan ka nanaman sa issue na 'yan. Kaya nga pumayag ako na kunin kayo kahit na alanganin para makabawi sa nangyari noon. Ano pa bang gsuto mong gawin ko?"

"Makabawi?" I let out a sarcastic laugh. "Hindi mo maibabalik ang nawala sa akin at sa Elixir noon dahil sa pamilya mo."

"Ah, so lumabas din ang totoo." Tumango-tango siya, surprising me when a tear rolled down his cheek and he angrily swiped it away. "Pera ang kailangan mo kaya kinuha mo si Ina para lalo kaming mag-away ni Kiana. Kasi alam mo na gagawin ko ang lahat kay Kiana. Gusto mong bayaran ko 'yong naging problema niyo noon sa Elixir noong ninakaw ng tito mo 'yong pera ng kliyente para sa papa mo? Ganoon ba—kaya ka nanggugulo ngayon? Baka gusto mo pati 'yong ginastos sa libing ng papa mo, bayaran ko pa?"

I bit the inside of my cheek. That was it, that was the familiar condescending tone of the Derek I wish I didn't know. Pinatunayan niya lang sa akin na isa talaga siyang Lorenzo. Sinimento niya ang paniniwala ko na isa talaga siyang gago na ang tingin sa akin ay mukhang pera. Nakakadiri, nakapanliliit na ganoon kaliit ang tingin niya sa akin at nagawa niya pang bastusin si Papa.

"Bago pa ba 'yong issue sa 'yo na kailangan ko ng pera?" I spat, resisting the need to cry. "Dapat hindi ka na nagugulat, 'yon naman ang ipinagkalat niyong dahilan kung bakit siksik ako nang siksik sa buhay mo noon."

Saglit kaming natahimik pagkatapos ng mga salitang iyon. Maybe we both knew that those words shouldn't be mentioned again, pero dahil lang sa sa galit ay naibalandra na naman namin pareho ang nakaraan.

He deserved it. Kulang pa iyon sa lahat ng sinapit ko sa pamilya nila. It was a silent agreement na ni minsan ay hindi namin napag-usapan—huwag nang banggitin ang nakaraan para lang sa kasal na 'to.

"Bakit ba ginagawa natin 'to?" pagod niyang sabi. Derek faced the ocean at kasabay ng isang buntong hininga ay dumausdos ako paupo sa buhangin. "This is obviously not working out. Hindi dapat ako pumayag na Elixir ang kunin namin dahil alam kong nandoon ka."

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon