c h a p t e r t w e n t y - f o u r

7.9K 286 61
                                    

       A GROUP OF MEN ushered us into an awaiting vehicle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

       A GROUP OF MEN ushered us into an awaiting vehicle. As soon as we were in, and the doors were locked, they started the vehicle and threw questions at us. Kinamusta nila kung nasaktan kami, kung may iba pa kaming nakita na umaaligid, kung wala ba kaming nararamdaman na kakaiba.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, nakaramdam ako ng pagkahilo. Sinubukan kong pumalag at sumigaw, pero pinigilan ako ni Theo.

"Anong nangyayari?!" I hiseed at him nang makita na armado ang mga kumuha sa amin. "Theo, ano 'to?!"

"Check niyo si Sir Theo for any injury," sabi ng lalaking malaki ang katawan na nakaupo sa harapan. Moreno siya at may makapal na mga labi; lips that were now curled in frustration. Flashbacks hit me when I saw his face.

Sa terminal.

Sa harap ng bahay ni Theo.

Napasinghap ako. May lumapit sa akin na babae na naka-uniporme rin ng light blue at may earpiece sa tenga. She had a kind face, iyong tipong mapapantag ka, pero hindi iyon nakatulong para mapalagay ako. "Okay lang po ba kayo, Ms. Megan? Ako po si Agatha, security detail ni Sir Theo. Muntik na kayong malapitan kanina nung sumusunod kay Sir. May masakit po ba sa 'yo?"

I couldn't speak. My jaw was locked in place and a tear rolled down my cheek. Nanginginig pa rin ang kalamnan ko magmula noong hinablot nila ako.

"Ma'am?" nag-aalalang tanong ng babae na malinis ang pagkakapusod ng buhok. "Apprehended na po 'yong suspect." She shone a flashlight on my face at tumingin kay Theo. "Mukhang in-shock si Ma'am, Sir."

Galit na hinablot ni Theo ang flashlight mula sa babae and he grabbed me to face him. "Megan, okay ka lang ba?"

"Theo," was all I could manage to say. "Theo..."

He turned to the familiar man with blazing eyes. "Sinabi ko na sa inyo na 'wag niyo akong sundan. Bakit hindi kayo nakikinig? Kahit sa Bicol sinundan niyo ako!"

"Sir, kaya po kayo pinababantayan ng papa niyo para maiwasan ang mga ganitong sitwasyon," paliwanag ni Agatha na nakaluhod pa rin sa harap ko.

Papa? Security?

Anong nangyayari?

Sinubukan kong alalahanin ang nangyari. Theo's face, his warm breath against my lips, may lalaking humawak sa akin, may humila kay Theo, the guy who grabbed me was pushed to the ground...

Nagtakbuhan ang mga tao sa park palayo.

Tinawag ni Theo ang pangalan ko.

May nagbalot sa akin ng jacket at ipinasok ako sa sasakyan.

I held the jacket tighter against my body. Nanginginig man ay humarap ako sa lalaking puno ng pag-aalala ang mga mata. I traced every inch of his face with my eyes, trying to relearn them, trying to remember if something changed. Pero walang nagbago, siya pa rin si Theo na nakasama ko sa Bicol, 'yong artist na 'di marunong gumamit ng pinto at naninigarilyo kapag aburido. Nakaputi siya ngayon but he always wore black.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon