Book Two: Teaser

15.1K 499 171
                                    

HER REDEMPTION (BOOK 2): TEASER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HER REDEMPTION (BOOK 2): TEASER

        NATULOG AKO SA LOOB ng masikip na tent nang hindi man lang tinitikman ang pagkain na inihanda ni Ina. May baon akong biscuits at ayaw ko namang kumain ng pagkain na inalay na may halong sama ng loob.

Kahit suki ako ng libreng handaan, kaya ko ring maghain ng pride.

Hindi pa rin ako sigurado kung ano ang intensyon ni Ina sa pag-imbita sa akin dito, but one thing was for sure, hindi maganda iyon.

Noon pa man, magmula nang malaman niya na may kakaiba sa amin ni Derek nagbago na ang lahat. After that, she was no longer my friend but someone who always antagonized me in subtle ways. Hindi ako magtataka kung kasama ang pag-imbita niya sa akin sa party na ito sa mga iyon.

Papasikat pa lang ang araw at mag-isa akong nakaupo sa may pangpang. I let my bare feet kiss the waves every time it crawled up the wet sand. Malamig at malalasahan ang dagat sa simoy ng hangin, but I savored being alone in tranquility. Iba talaga ang buhay sa probinsya, and I am glad I chose to be back.

May lumitaw na chocolate muffin sa harap ko at kinuha ko iyon na may ngiti sa labi. Kaunti lang ang taong alam kong susunod sa akin na may dalang pagkain.

"Diet ka yata. Ikaw lang ang hindi kumakain ng breakfast," sabi ni Oslo at umupo sa tabi ko.

I twisted to look at him. Ito ang unang pagkakataon na natitigan ko siya pagkatapos ng napakatagal na panahon. He looked slightly different. Noon pa man, kilala na si Oslo sa pagiging neat at mabango. He still was up to this day, I noticed. Clean cut ang kanyang buhok at unat na unat ang puti niyang polo. Inilagay niya pa nga ang tsinelas sa buhangin bago umupo rito. Bagay na bagay lang sa kanya ang pagiging doktor. Pero hindi gaya noon, wala ng bahid ng immaturity, instead, mischievousness and confidence sparkled in his eyes.

Napailing ako. "Baka mamaya may bayad 'yong breakfast, tight pa naman budget ko." Itinaas ko ang muffin at kumagat dito. "Ikaw ang kumuha nito kaya sa 'yo bill nito, ha?"

He nodded with a laugh, his kind eyes crinkling at the corners. "Oo ba. Kahit ikuha pa kita nung pancake nila na may maple syrup, e."

We both laughed and let the traces of our humor fall and fade between us until there was nothing but comfortable silence and the sound of ocean waves. It was familiar, it was something I always knew.

"Okay ka lang ba?" tanong niya. His warm brown eyes traced my face and I frowned.

"Bakit naman ako 'di magiging okay? Para na rin akong nagbakasyon."

He raised both his hands. "Chill, tinatanong ko lang naman kasi dahil magka-partner kayo ni Derek kagabi." Luminga-linga siya at mahinang bumulong, "ako pala 'yong nanalo. May twenty-five na ako sa bulsa ko ngayon. Treat kita ng tapsilog pagkagaling dito? Ang tigas ng pancake ni Ina."

Natawa akong bigla. Muntik pa akong mabilaukan sa muffin na kinakain. "Ang sama ng ugali nito. Ikaw, Doc ha. Porket yayamanin ka ngayon, ganyan ka na." Then I processed the first half of his sentence. "Teka... oh shit. Double B! Nakalimutan ko na alam mo."

He raised his brow, na naging kayo ni Derek?

He shook his head but a smile played on his lips. Nag-unat siya ng paa at pinagtupi ang mga braso. "Nakalimutan mo na nalaman ko kasi ako naghatid sa 'yo pauwi pagkatapos mong magwala sa tapat ng bahay nila Derek noon." Tumingin siya sa akin at agad akong nakaramdam ng hiya. Double B. Sa sobrang kahihiyan at kalasingan ba, pinili ng utak ko na kalimutan ang detalyeng 'yon?

"I'm so sorry! Nakakahiya talaga! Nako, Doc. 'Di ko na alam sasabihin."

"Okay lang," he said. His cheeks were stretched from his grin. "Samahan mo na lang ako magtapsilog? Na-miss kita. Let's catch up."

Napahawi ako ng bangs. Bakit parang medyo nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko? Siguro gutom talaga ako, o baka hindi maganda 'tong muffin ni Ina.

Nagbaba ako ng tingin at pinagkaabalahan ang budbod ng muffin sa shorts ko. "Wala akong pera, Doc Oslo. Baka nga juice hindi pa kita malibre."

Inabutan niya ako ng puting panyo at nag-angat ako ng tingin. "Pamunas, para hindi kamay ang gamitin mo."

Kinuha ko ang panyo at nahihiyang pinunasan ang bibig. Nakakahiya talaga! Siguro puno ng chocolate 'yong bibig ko!

"Saka huwag kang mag-alala, libre ko. May twenty-five thousand ako 'di ba? Kung 'di ka kasi natulog agad kagabi e 'di nalaman mo na kami nanalo."

Nakangiti siya sa akin at doon ko naalala na noon pa man, cute na talaga si Oslo. He was that guy that got along with everyone. He was quiet but people secretly wanted his approval. Hindi naman siguro kasalanan kung nakaramdam ako ng very, very slight na kilig 'di ba?

Tumingin ako sa may mga tent at nakita mga kaklase namin na abala sa pagkain ng agahan. Hindi ko nakita si Derek. For some reason, it brought relief to me. Ngumiti ako kay Doc Oslo at tumango.

"Basta ba unli rice, game ako."

"Megan, may sundo ka na!"

Sabay kaming napalingon ni Oslo kay Ina na kumakaway sa amin mula sa 'di kalayuan. Naningkit ang mga mata ko habang tinatanaw siya sa ilalim ng sikat ng araw, at parang pelikula, lumitaw sa likod niya ang nakangiti at naka-Hawaiian T-shirt na si Vince kasama si...

"Bakit naka-all black sa beach 'yong sundo mo?"

Kumunot ang noo ko at lalong naningkit ang mga mata. Teka... "Theo?"

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon