c h a p t e r t w e l v e

7.3K 311 115
                                    


      DUMATING ANG WEEKEND at tulad ng inaasahan, nakasimangot kong naabutan si Tasha at Kenny sa bus terminal ng Cubao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

      DUMATING ANG WEEKEND at tulad ng inaasahan, nakasimangot kong naabutan si Tasha at Kenny sa bus terminal ng Cubao. Bumagal ang mabibilis kong mga hakbang at natawa ako nang makita ang suot nila.

Hindi ko alam kung anong naisip nila Tasha at kung bakit naka-blouse, blazer at heels pa siya kahit na alam naman niyang sa bus terminal kami magkikita. Si Kenny ay naka-turtle neck naman na black at dark jeans. Kita sa mukha nila ang discomfort at pagka-out of place sa lugar na puno ng mga taong nakasimpleng T-shirt lang at jogging pants.

Hila ang de-gulong na maleta ay lumapit ako sa kanila. Pagkakakita sa akin ay lalo lang sumimangot si Tasha. She huffed, crossing her arms and turning her face away from me.

Si Kenny ang naunang nagsalita. "Ano ba naman 'to, Megan? Akala ko pa naman magkikita tayo dito kasi may kung anong importanteng gagawin bago pumunta sa airport. 'Di mo naman sinabi na magba-bus pala tayo. Alam mo ba kung gaano kalayo ang Bicol?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Aba at talagang ako pa ang sinisi nila kung hindi sila gumamit ng common sense? "Una: alam ko. Taga-Bicol ako. Pangalawa: nag-send ako ng picture ng tickets sa group chat. Hindi ko na kasalanan kung 'di kayo nagbabasa. Ni hindi niyo nga binubuksan messages ko roon. Saka alam niyo na rito tayo magkikita, ano sa tingin niyo gagawin natin dito—picture taking? Bukod pa roon kahit pa eroplano ang sasakyan natin, hindi pa rin ako magbibihis nang ganyan. Hindi ko na kasalanan 'yon."

Tasha let out a sarcastic laugh. Lumipad ang mahaba niyang ponytail nang lumingon siya sa akin. "Baka naman kasi iniipit mo 'yong budget. Who would believe that Kiana June would let us ride a bus? Sabihin mo lang, you're taking the excess money."

Aba't! "Hoy, Tasha. Tanga lang ang mag-iisip na hindi malalaman ni Kiana na sa bus ko kayo pinasakay. Si Tweetie, 'yong secretary niya ang nag-send sa akin ng budget, ipakita ko pa sa 'yo 'yong picture ng deposit slip."

"Baka kasi kinuntyaba mo si Tweetie! Sabihin—"

"Nag-aaway nanaman ba kayo?"

Pareho kaming natahimik ni Tasha nang dumating si Vince, at nakasunod lang sa kanya ay walang iba kundi si Theo na sukbit ang backpack.

Our eyes met at agad akong umiwas ng tingin, holding back a grin. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na napapayag ko siyang sumama sa amin. Kinaumagahan pagkatapos kong makatulog sa sofa niya, napabalikwas ako ng gising.

Naalala ko kung paano dali-daling lumibot ang mga mata ko sa 'di pamilyar na paligid hanggang sa nakaamoy ako ng niluluto. Then it clicked: Theo.

Malinis na ang paligid. The empty chip packets and beer bottles were no longer laying around. Maski iyong karton ng siomai at kaha ng sigarilyo ay wala na kung saan ko sila huling nakita. Nakayapak na tumayo at sumilip ako sa bukana ng kusina, and there he was in front of the stove with a striped gray and white apron on him. Napanguso ako. Sayang, naka T-shirt. Akala ko pa naman may pa-abs. Pero pwede na rin. Bukod pala sa pagiging magaling na artist at gwapo, marunong din pala 'to magluto si Theo.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon