Chapter 52: Mending hearts

3.8K 168 92
                                    

Nephra's POV

I remember being so happy with Diana hanggang sa masira ang lahat dahil dun sa pictures. Those damn pictures! Pano kami nalagay sa ganitong sitwasyon? At galit pa sakin ang girlfriend ko. Am I selfish? selfish for wanting to protect myself pati narin ang babaeng pinaka-mamahal ko? Lahat na ata ng worst-case scenarios naiisip na ng utak ko. Ano bang dapat kong gawin? I held my stomach, feeling helpless.

And most importantly.. who did this? This was such a dirty move, typical tactic sa election. Ugh! I should've seen this coming. Alam ko all along na what we did was risky and yet hindi parin ako nagpapigil. Now everything's a mess but I won't let any of this dirt touch Diana.

"Neph, wer r U? We're here sa usual spot natin. Inaantay ka namin d2. pls reply ASAP." Nabasa kong text ni Buck sakin.

I touched my temple, I've got a lot of explaining to do. When will this nightmare end?

It was hard to leave the campus. Everyone was looking at me, sanay nako sa ganon. Pero ngayon iba ang mga titig nila. I clutched my bag at sinusubukang kalmahin ang sarili ko.. kahit na parang it's imposible na para ayusin pa ang lahat. Is there an undo button to prevent this from happening?

Palabas nako ng campus ng mahagip pa ng mga mata ko, ang mga students na nakatayo malapit sa gate ng school. Nakatipon sila doon, lima o mahigit sa limang tao. I was sure na kami ang pinag-uusapan nila kasi narinig kong binanggit ang mga pangalan namin ni Diana.

"Do you think they will make an official statement about this? We deserve an explanation, or kahit tayo nalang na bumoto sakanila." I don't think they noticed I was there. Gusto ko nang umalis dun pero hindi naman ako makakalabas ng hindi sila dinadaanan. Bakit kasi dito pa sila nag-chismisan?!

"Hindi ko inexpect yun, grabe! Ang pagkakaalam ko nga hate na hate nila ang isa't isa.. parang aso't pusa," Sabi ng babae. "..and Nephra?? Hindi naman sya mukang lesbian eh! Sayang siya."

"Lalo naman si Diana. Di nga makabasag pinggan yun eh." Dagdag pa ng isa, "Sayang sila."

Anong sayang ang pinagsasasabi ng mga 'to? Walang sayang samin ni Diana, I wanted to say.

I just ignored them, ayoko nang pumatol.. wala na akong natitirang lakas para pagalitan pa sila. How long will this go on? Paano kung hindi na makalimutan 'to ng mga tao? And Diana, she's been through a lot. Her dad just came out of the hospital recently. Tapos ngayon may problema na naman sya. Hayy.. tapos inaway ko pa. I'm a bad girlfriend.

With all of my remaining strength, I walked pass the students.. oh how I wish I was deaf! Edi sana hindi ko na narinig pa ang mga sinabi nila.

"Tahimik. Mahinhin. Disenteng babae on the outside. Hindi mo makikita sa mukha niya yung ganon. Akalain mo yun?.. she's a sexual predator pala. Nakakahiya talaga ."

Sexual what now??..

Neph.. just ignore them.. magbingi-bingihan ka nalang, you will only make things worse, so just ignore, nagtitimping sigaw ng loob ko.

Nagsalita ulit ang isa sakanila and this time it caught my full attention..

..he said, "You know what guys? Diana shud be eliminated. Harassers shouldn't be put in positions of power. Paano tayo magtitiwala sa leader na nagmo-molestya ng kapwa nya estudyante.. at pareho pa nyang babae. Pano kung gawin nya ulit yun? Mas dadami ang biktima niya."

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon