Chapter 54: The Newest Peer-Buddy

1.7K 77 5
                                    

Nephra's POV

Nagmamadali kong tinahak ang building na walang pintura malapit sa pinaka-likod na parte ng eskwelahan. Yun ang description na ibinigay saakin ni Buck. Don't bring anyone. Go on your own. Pahigpit na bilin pa nito. Sobrang weird nya.

Nakakatakot ang lugar at wala nang student ang permitted sa area nato. Feeling ko tuloy naliligaw na ako. Buti nalang kalaunan ay natanaw ko rin ang nasabing building.

Napapalibutan ito ng mga halaman at puno. It was in fact not taken care of. I remember this building. Isa 'to sa mga ni-renovate noon pero kalaunan ay napabayaan na dahil sa 'di malaman na dahilan. Mag b-backout na sana ako pero he sounded so serious over the fone and he even asked me to trust him. I told him that I cannot miss the announcement but he said it was urgent. Hindi ko na na-inform si Diana. Naisip ko rin kasi na mabilis lang.

Kaya nandito ako ngayon.

I catched my breath like a tired race horse before opening up the door to an empty abandoned classroom.

"What the hell?!" Yun agad ang lumabas sa bibig ko nung makita kong nakatali sa upuan si Mark at may busal pa sa bibig, pilit itong humuhulagpos sa pagkakatali. Lalo itong nagwala nung makita niya ako.

"Guys!! What the actual shit did you do?!" Hysterical kong tanong. "Buck? Akala ko pa naman ikaw ang pinaka-sensible sa'ting lahat? Ano 'to?" Turo ko sa hostage nila.

"This asshole won't cooperate eh!" Akmang kokotongan pa sana ni Ian si Mark, wala naman akong nakitang bruises sa katawan ni Mark as of now. "..kaya yan. Hinostage nalang namin siya, baka sakaling magsalita pa siya at aminin yung ginawa niya."

Yun ata ang kauna-unahang pagkakataon na narinig kong nagsalita ng mahigit sa dalawang salita si Ian. Altho, ngayon ko lang napagtanto na may pagka-gangster pala talaga ito. Tsk tsk! You know what they say, kapag tahimik nasa loob ang kulo. Naalala ko tuloy nung nakipag-suntukan sya kay Flores.

"Sorry, Neph.. gusto lang kasi naming malaman talaga kung sino ang nag-leaked nung pictures and you told us na siya yun. You know I hate it when someone does something bad to you." Oo, sweet sila at very protective. But I cannot tolerate them doing something illegal.

"Guys! You know this breaks a few laws. We could get into so much trouble because of what you did! Imbes na mabawasan ang problema ko, nadagdagan pa!" I said, not calming one bit. Mga lalake talaga! Sakit ng ulo kahit kelan.

"Don't worry, Neph. We'll make sure na hindi magsusumbong itong kumag na'to." Sabi ni Ian. Sige parin sa pagwawala sa upuan niya si Mark, naawa ako sa kalagayan niya. Kahit na walang tinamong sugat ay nakakaawa siyang tignan. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng awa sakanya, knowing na sobrang nakakainis siya nung nasa camp pa kami at knowing na ginawan nya kami ng mali ni Diana.

I should be happy, right?
I should celebrate because finally.. I can get even.

Tinanggal ko ang takip nito sa bibig. Nagkaron tuloy ito ng pagkakataon para makapagsalita, "Wala akong kinalaman sa ibinibintang ninyo!" Agad na sigaw nito sa mga mukha namin. "Mananagot kayo sa ginawa ninyo sakin! I will tell my dad—"

"Manahimik ka dyan!" Binusalan ulit ni Ian ang bibig nito. Showing him who's in charge.

I can't believe this is happening. Akala ko sa pelikula ko lang 'to makikita.

"Kung gusto mong tanggalin ko yang takip sa bibig mo, manahimik ka. Sasagot ka lang 'pag may itatanong kami, naiintindihan mo?" Ani Ian. Kung anong payat nito ay siya namang tapang niya.

Nanginginig na sa takot si Mark, siguro naisip nya na hindi talaga siya pakakawalan dito 'pag hindi siya nakipag-cooperate. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot? Ikinulong siya sa abandonadong classroom. Kahit sumigaw siya dito walang makakarinig sakanya.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon