Chapter 43: Masquerade Ball

5.5K 201 72
                                    

Diana's POV

Nagmulat na ng mata si papa, gusto ko sana syang kausapin kaso hindi ako makasingit sa mga doktor na maya't mayang tumitingin sakanya. Totoo nga ang sinabi ni Doc Harbell. May Dietician na darating. Inabisuhan kasi kami pati na si papa, sa kung akong pwede nyang kainin.

Kasunod non ay ang napakarami pang tests na kailangang gawin sakanya. Mabuti nalang at patuloy na lumalaban si papa; willing syang makipag-cooperate sa lahat ng utos na nanggagaling sa mga doctors at nurses. Yun ay isa naman sa mga pinagpapasalamat ko.

***

Dear Diary,

First entry..

Ugh! Ewan ko ba kung bakit naisipan kong gawin 'to. Sabi kasi ni mama therapeutic daw.. kaya heto! Nag-jo-journal narin ako ngayon.

Lately kase parang kailangan ko ng masasabihan. Pwede naman kay Arty.. pero hindi pa kasi ako handa.

Satingin ko ay alasingko ng hapon nung magkaron ako ng pagkakataong tumawag kay Nephra. She filled me in with the new activity at mga activities na ginawa nila. If I'm gonna be honest, hindi naman ako tumawag dahil lang gusto kong malaman yung mga ginawa nila sa camp habang wala ako.. ang totoo nyan, namimiss ko sya. Alam ko! Alam kong halos dalawang araw palang kaming hindi nagkikita, pero hindi ko mapigilan eh. Hindi na ako sanay na magkalayo kami, natatawa nalang ako sa sarili ko.

I've had a lot of thoughts habang nandito ako sa ospital. Tungkol sa pamilya.. sa pag-aaral ko. Naisip ko.. napaka-ikli talaga ng buhay, o masasabi nating baka bukas isa saatin mawala na.

Kaya naman sinabi ko sa sarili ko.. as soon as I get back, aaminin ko na kay Nephra yung nararamdaman ko para sakanya. Hindi na ako magsasayang ng panahon. I'm dreading it but screw the vision! Baka ito na yung huling pagkakataon ko para sabihin sakanya ang lahat.

Hinalikan ko rin nga pala sya.

Sa labi.

Alam ko! Ang tapang ko para gawin yun diba? Ganun pala yun. Kapag punong puno na ng pagmamahal yung loob mo, gugustuhin at gugustuhin mong ibahagi yung pagmamahal na yun sa taong mahal mo. In my case... kissing Nephra.

Hayy.. sana maging maayos ang pagtatapat ko.

That's all for now!

—Diana Zedillia

...

"Dee?" Tawag saakin ni mama, lunapit ito sa side ko. Nasa left side kase ako ngayon ni papa, nasa right side naman sya.

"Yes po?" Automatic ko namang tinakpan yung journal sa mga kamay ko, baka kasi mabasa yon ni mama.

"Anong sinusulat mo?"

"Um.. ah.. nag-jo-journal na po ako ma.." ngumiti ako sakanya, kunwari ay hindi ako kinabahan, "..gaya nung sabi ninyo." Dagdag ko pa.

"Aba, maganda yan. Natutuwa ako at sinubukan mo narin."

"Opo.." wala na akong maisagot pagkatapos non.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon