Chapter 19: Something in me has changed

5.9K 260 16
                                    

Nephra's POV

"Ma'am?.. ma'am, Nephra.. masama ho ba ang pakiramdam ninyo?" Kanina pa pala nakatayo si yaya Maring malapit sa hagdan; nakaakyat na pala sya ng hindi ko namamalayan.

Nakapatong parin ang kamay ko sa nagwawala kong puso.

"Uh.. no, I'm fine." Tipid kong sagot habang nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.

Hindi na nag-usisa pa si yaya kahit na alam naman nyang hindi ako okay, hindi kasi talaga kami close nito; kaya siguro natatakot itong magtanong.

Bigla ko tuloy namiss si mommy, sya lang kasi ang takbuhan ko during my very confusing moments in life..

..but I can no longer do that, palagi din kasi syang wala.

Gusto na sanang ipasok ni yaya ang dala nyang isang palangganang tubig ngunit nakasandal parin ako sa pintuan ko, hindi sya makapasok.

We both just stood there quietly..

"Ipatong mo nalang sa side table, ya." Tumabi ako para makapasok na sya.

I opened the door for her at ipinatong na nga nya ang palanggana, agad akong napatingin kay Diana na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang tulog.

"Thank you." I said politely at umalis na sya.

I gathered all the remaining strength I have in my body.

Kailangan kong lumapit sakanya..

I need to be composed; ako ata si Nephra Allen.

I'm always in control..

I gently closed the door and went to her side..

Dahan dahan kong inilubog ang hand towel sa maligamgam na tubig at pinilipit ito.. nang masigurado kong wala ng tumutulo na tubig ay ipinahid ko ito sa mukha ni Diana.

Hinay hinay lang ang ginawa kong pagdampi ng tela sa mukha nya; para lang mahimasmasan sya..

Gumalaw ng kaunti ang ulo nya sa ginawa ko pero mahimbing na mahimbing parin ang tulog nya.

Her lips are slightly parted; nakabuka ng mahagya ang bibig nya.

Kahit siguro masunog ang buong bahay, wala parin syang kaalam-alam.

Hinugasan ko ulit ng mabuti ang bimpo.. ang mga kamay at braso naman nya ngayon ang pinupunasan ko.

Who would've thought? That I will take care of her like this..

Life is so ironic sometimes.
..

Nag-iba na ang kulay ng langit.. it is now full with exploding colors of orange, red and purple; the sun is now setting..

Tumingala ako at tinignan ang wall clock sa kwarto, it's 6:08 pm.

Hindi ka pwedeng umuwi ng ganito ang kundisyon mo. Baka isipin ng mga magulang mo na intentional ang nangyari sayo, I don't want anyone to know that this thing happened inside our house.

Inside the Allen mansion.

Baka masira ang reputasyon namin..

At isa pa... hindi ka rin naman makakauwi dahil tulog na tulog ka.

"Ilang oras kaya ang epekto ng sleeping drop?" Tanong ko sa isip ko.

It was almost 4:50 when I kicked her out of the house.. sabihin na nating nainom nya iyon ng mga 5:0o.. meaning, isang oras palang ang nakakalipas ng umapekto yun.

I bit the inside of my cheeks, "The duration of the effect may last for 6 to 8 hours, depende pa sa dami ng nainom nya.." I mentally counted, hindi sya makakauwi.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon