Chapter 39: Desire

8K 311 121
                                    

Nephra's POV

Noong sinabi kong, "I'm not me when I'm with Diana.."  Totoo iyon. But sometimes, it can be a good thing. You see.. when I'm with her, I feel liberated. I feel free. Naisip ko, bakit kailangan kong maging seryoso palagi? Ngayon ko lang napagtanto na ang tagal kona palang hindi nag-e-enjoy sa buhay. Masyado na akong kinain ng pagiging competitive ko. Gusto ko palagi akong incharge, dapat lahat ng gagawin ko planado. It's tiring! Nakakapagod din pala. It's nice to have fun, stop worrying and just let things fall into place.

May hiking kami today at kasama ko ulit sya. Parang ayaw ko ng matapos ang P.B camp. Kasi gusto ko pa syang makasama ng mas matagal. Naalala ko tuloy yung nangyari kaninang umaga, yung pagdilat ng mga mata nya, yung mga titig nya at ngiti nya.. even the way she sleeps. God! Lahat ng iyon, I find it cute. Hindi ko nga maiwasang kiligin.

Para kaming mga bata, hawak-hawak namin ang isang dandelion na pinitas ko near the cliff. Yes! Hihiling kami dito. Ang mga bagay na corny at childish para saakin noon—ngayon hindi na. Nag-umpisa iyon simula ng makilala ko si Diana.

"Sige na! sabihin mo na.." Pilit nito saakin, after blowing the dandelion.

Ayokong sabihin yung wish ko! Kasi nga related na naman iyon sakanya. Speaking the truth can be scary. It takes incredible amounts of courage to be truthful. Kung sabihin ko sakanya yung wish ko, it's like confessing my love for her.

Kaya hindi ko iyon gagawin! Hindi nya ako mapipilit! "No!! Ayoko nga sabi eh!" Pagmamatigas ko.

"Bakit ba ayaw mong sabihin?? Nahihiya kaba?" Tudyo nito saakin, mukhang hindi talaga ito titigil hanggang hindi ko sinasabi yung wish ko.

Ang kulit nya! Cute na makulit!

"Okay! okay.. fine! But don't judge me." I said in defeat. Kahit kailan talaga, kahinaan ko siya. Kahinaan ko itong mga dimples na ito.

I let out a deep breath, "Sana mahalin din ako ng taong mahal ko." Tinignan ko sya nung sabihin ko iyon. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong halata sa mga mata ko ang pagnanais sa kanya. My eyes betrayed me.

Diana was stopped dead in her tracks. She stopped speaking and moving all together. Nawala na ang kaninang masigla at makulit nyang mood.

I was shocked too..

..and then came fear! Shit! Sinabi ko na nga ba! Kaya ayokong sabihin sakanya itong wish ko! Tignan mo tuloy. Kitang-kita sa mukha nya ang panic.

"Please say something.." My voice weakened.

"Um.." She cleared her throat, "Bakit yun ang hiniling mo?" Tanong nito.

Now I'm confused.. hindi ito yung inaasahan kong reaksyon sakanya. "Kase.. kase alam kong mahirap akong mahalin." My voice shook, "I'm unpredictable, volatile. S-sayo na mismo nanggaling.. pabago-bago ako. So yes, I am difficult to love." Napayuko ako sa lungkot. Even myself didn't anticipate this realization. I am.. infact.. hard to love.

"Hindi totoo yan.." Humakbang ito palapit sakin, "..hindi ka mahirap mahalin." Gulat akong napa-angat ng tingin sakanya, "Do you know how much I lov--"

Huh? Gulong-gulo ako. May gusto syang sabihin! Pero hindi nya iyon tinuloy. Something is holding her back. "Do you know how much I love you??" Kusang kinumpleto iyon ng utak ko.

Nephra you are crazy!!

"Diana?" Tinawag ko ang pangalan nya pero wala sa sariling tumingin lang ito saakin. "Hey! Diana, a-are you okay?.."

"Ah?.. o-oo." Gulat itong nagbalik sa realidad. "Oo, okay.. okay lang ako."

"Are you sure?? You zoned out. M-may sinasabi ka kanina.." I wanted to hear her say it. Do you know how much I love you, Nephra?

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon