Chapter 12: The evil is back!

5.4K 209 30
                                    

Diana's POV

10:00 am

"Art, Hindi kaba papasok ngayon?" Kausap ko 'to sa cellphone.

Naglalakad ako ngayon sa track oval ng aming school, kakatapos lang naming mag PE.

"Dee.. masama ang pakiramdam ko ngayon, may flu ata ako.." nag-iba ang boses nya, halatang may sakit sya.

"Ganun ba?.." huminga ako ng malalim, "Mag-isa na naman ako sa school?"

"Susubukan.. kong makapasok agad.. kapag kaya ko na. Para may kasama kana ulit." Sabi nito habang umuubo, mukhang tinamaan nga ito ng flu.

"Um.. huwag mo na akong isipin, basta magpagaling ka--" may sasabihin pa sana ako pero may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Ngayon lang nangyari 'to sa PTA meeting! It was embarassing.." si Aimee, halatang pinaparinggan nya ako.. kasama nya si Rizza na tahimik lang na nakikinig sakanya.

Mga kaklase ko sila at mga kaibigan sila ni Nephra.

"It was a mess! Right, Zedilla?" Tumingin ito saakin at ngumiti ng nakakaloko.

Pero agad ding nawala ang atensyon ko kay Aimee dahil bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong nandoon din sya..

si Nephra!

Nakapasok na pala sya!?

Bakit hindi ko sya napansin sa klase kanina? Ang alam ko ay kakalabas lang nito sa ospital. Hindi naman sya mukhang nagkasakit! Yun parin ang itsura nya.. maganda parin, ang totoo nyan ay lalo pa ata syang gumanda.

Naka-bun ang buhok nito, may hawak din itong hand towel at tumbler na may lamang green tea..

Suot nito ang aming PE uniform at puting sneakers.. napadako ang mga mata ko sa hita nya, litaw ang glossy at makinis nyang hita dahil shorts ang required naming suotin, track and field kasi ang aming activity ngayon; naalala ko tuloy bigla yung nangyari sa stockroom..

I felt a sudden panic!

Ayokong makita nitong ini-examine ko sya.. at ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko yun ginagawa!

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at agad na naglakad palayo sakanila..

Kailangan kong makaalis dito!

"Art.. Um.. tawagan nalang kita ulit mamaya.." agad kong binaba ang cellphone ko, nanginginig ang mga kamay kong ibinalik ito sa bulsa ng shorts ko.

"Hey!!" Sigaw ng pamilyar na boses..

My heart skips a beat.

Matagal na ng huli kong marinig ang boses nato, I felt this longing..

Pumikit muna ako ng bahagya bago humarap sa babaeng tumawag saakin..

"Don't mind us, huwag mong ibaba ang phone mo.. baka may kausap kang importante." Si Nephra na nga ito, wala ng iba.

Sinusundan ba ako ng mga 'to?!!

Napahinto ako sa paglalakad..

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay nagsmirk pa ito.

Naconcious tuloy ako bigla sa mga titig nya.

"Don't let us interrupt you and your boyfriend's telebabad.." huh? Ano daw?.. Boyfriend???

Tumingin ako sakanya ng diretso, "Ano bang sinasabi mo?" Kunot noong tanong ko sakanya.

She raised her eyebrow, "It's funny.." pagkatapos ay lumapit ito saakin; gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ko yun magawa, "...kaya naman pala hindi mo magawa ng maayos ang duty mo dahil may iba kang inaatupag.."

Tinutukoy parin pala nito ang PTA meeting!

At ano namang boyfriend ang pinagsasabi nya?? May sakit pa ata sya!

"Wala kang alam sa sinasabi mo.." monotone na sagot ko sakanya, tumalikod ako at aalis na sana pero biglang hinawakan ni Nephra ang braso ko.

Hinarap nya ako sakanya, she's now inches away from me..

Sobrang lapit ng mukha at katawan nya, I can smell her sweat..

..pero bakit ganon? Ang bango parin nya kahit sobrang pawisan na sya.. her sweat smells like apple and cinnamon.

"Kinakausap pa kita!! ..Don't you have manners?!" Sinusubukan kong tanggalin ang hawak nya saakin pero she's gripping me hard, hindi ko kaya.

"Bitawan mo ako." kalmado kong sabi, hindi ko pwedeng ipakita na napipikon nya ako.

"Neph... be careful-" It was Rizza.. aawatin nya sana si Nephra, "Stay there, Riz!" pero agad sya nitong pinigilan.

"Ano?! Binigay lang sayo ang duty ko, akala mo kung sino kana umasta?!" Galit na sya ngayon.

Hindi nito nagustuhan ang mga pabalang na sagot ko sakanya.. pero pati ako ay napipikon narin, "Bakit??.. May magagawa ba ako kung saakin ibinigay yon?!" Tumaas narin ng kaunti ang kalmado kong boses.

Tao lang din ako, nasasagad din ang pisi.

"Yun na nga eh!! Baka masyadong nag-expect si Mrs Trenor sayo.. yan tuloy, palpak ang resulta ng event! Ibinigay kasi sa loser na kagaya mo!" insulto nito saakin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, "Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang sumira ng PTA meeting?!"

Nag-iba ang mukha ni Nephra sa narinig nya.. at binitawan nya ang braso ko.

Para syang batang nahuli na kumukuha ng candy sa loob ng jar.

Pero imbis na matinag ay ngumiti pa ito ng nakakaloko habang tinitignan ang mga kaibigan nya, "Can you girls hear this?"

"How dare you accuse Nephra sa kapabayaan mo!!" Singit naman ni Aimee saamin.

Si Rizza halatang uncomfortable sa lahat ng nangyayari.

"Bakit?! Hindi ba totoo?.. may iba pa bang gagawa non?!" Tanong ko ulit kay Nephra.. kahit na kinakabahan ay pilit kong pinagtatanggol ang sarili ko.

Kailangan kong ipaglaban 'to lalo na't alam kong nasa katuwiran ako!

She took another step in front of me.. para itong isang predator at ako naman ang prey; na kahit anong oras ay maari akong kainin nito ng buhay, "At kung ako nga yun... anong gagawin mo?" May paghahamon nitong tanong saakin.

Sabi kona nga ba sya yun!

Huminga ako ng malalim, naluluha na ako sa galit na unti-unting bumabalot saakin, at natutuwa si Nephra sa nakikita nya.

Wala akong magagawa dahil hindi ko naman yun kayang patunayan.

Wala akong maisagot sakanya, na corner nya ako.

"Listen carefully.." lumapit sya ulit; sobrang lapit nya ako nalang ang nakakarinig sakanya.

She begun whispering into my ear.. naramdaman ko ang hininga nya, "You and I.. will never be equal. I belong to the top.. and you belong there, at the very bottom. So, before you even think na ka-level mo na ako.. always remind yourself that." I felt shivers run through my entire body..

Ano sa tingin nito ang ginagawa nya?! Hindi ba nya alam ang konsepto ng personal space??!

I froze, wala na talaga akong maisagot, ayaw gumana ng utak ko.

"Let's go, girls!" Masaya nitong sabi sa mga kaibigan nya na para bang nanalo ito sa isang digmaan.

Naiwan ako sa track oval ng mag-isa.. hawak hawak ang dibdib ko na hanggang ngayon ay ayaw paring tumigil sa pagwawala.

Bakit ganito na lamang ang epekto nya saakin?! Whatever it is that she's trying to do.. I think it's working!

Hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari!!

--------------------
AUTHOR'S NOTE:
Tsk! Tsk! Bad Nephra!!!! Baddddd!

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon