Chapter 10: Stronger than you think

5.8K 221 0
                                    

Diana's POV

"Ms Zedilla! What happened in here??... Our PTA meeting starts in an hour!" Nakita ko ang disappointment at confusion sa mukha ni Mrs Trenor, umikot ito sa paligid para makita ang damages.

Nagkalat ang mga punit-punit na pamphlets sa sahig at ang mga pagkain na sana'y ihahanda namin para sa mga magulang ay nakatapon din.

"Ma'am.. May.. may nakita po akong... isang lalake kanina na.. pumasok dito. Nakamaskara po sya kaya hindi ko po alam kung sino sya, sinubukan ko po syang habulin pero agad po syang nakatakas.. I'm really sorry, Ma'am.. pumunta lang ako sa banyo saglit.. Ni-lock ko naman po itong classroom, hindi ko po alam kung pano sya nakapasok." Nanginginig parin ang katawan ko sa nangyari, hindi ko alam kung sino ang gagawa nito saamin.

"Pati itong powerpoint natin.. ayaw gumana. Hindi ko makita ang files.." pumunta ako kay Mrs Trenor, malapit sa laptop na nakapatong sa desk nya.

Tama nga ang sinasabi ni Ma'am, wala ang files kung saan nakasave ang ginawa naming powerpoint ni Arty.

Hinawakan ko ang sintido ko, hindi ko na alam ang gagawin ko darating na maya-maya ang mga parents.. wala na kaming oras para gawin ulit ito.

Mrs Trenor looked straight at me, "Sino ang gagawa nito?" Seryoso nitong tanong.

Biglang pumasok sa isip ko ang nag-iisang babaeng alam kong may galit saakin..

Si Nephra Allen.

"Si Nephra! Sya lang ang may kayang gawin 'to." Kumunot ang mga kilay ni Mrs Trenor.

"Paano nya gagawin 'to? Nasa hospital pa si Nephra.. sa susunod na araw pa ang discharge nya.. at sabi mo saakin lalake ang nakita mo." Nakapamewang nitong sabi.

"Opo Ma'am.. pero.. pwede po nyang utusan ang kung sino para gawin 'to." Kumbinsi ko sakanya.

"And why would she do that?" Tanong nito.

"Hindi po ako sigurado.. pero sya lang naman po ang may galit saakin. Sakanya po dapat itong duty, hindi ba?" I said while fidgeting my hands, hindi ko ugali ang manisi ng iba pero I have this feeling na sya talaga ang gumawa ng lahat ng ito, I just can't put my finger on it.

"I understand.. but we can't just accuse Ms Allen.. We need a concrete evidence." Tama ang sinasabi ni Mrs Trenor.

Napa-upo na lamang ako, wala kaming kahit na anong pruweba..

"We will have to improvise, since parating na ang mga parents.. I'll just give them a digital version of our pamphlets.. umorder nalang tayo ng mga tinapay at drinks na pwede nilang inumin.. I still need you to help me buy the food and drinks.. pwede mong isama si Mr Flores kung gusto mo.. para matulungan ka nya, I will excuse him on his remaining classes.. and please, be careful on you way." Paliwanag nito habang pinupulot ang ibang pamphlets na nagkalat.
"I'll call a janitor to help me clean up.."

Kahit hindi sabihin ni Mrs Trenor ay alam kong disappointed ito saakin. Noon pa man ay si Nephra na ang tumutulong sakanya para asikasuhin ang PTA at palaging perpekto ang lahat kapag si Nephra ang nagplano.

I let out a deep sighed at tumayo na para gawin ang utos ni Mrs Trenor.

.....

Patakbo kung tinungo ang kwarto kung saan nagkaklase ang ibang classmate ko.. excused ako today dahil sa pagtulong kay Mrs Trenor.

Habang ang ibang kaklase ko naman ay busy sa pag-aaral sa loob ng aming chemistry laboratory.

"Psst! Psst!!" Mahina kong tawag kay Arty na kasalukuyang hawak ang test tube, may suot din itong goggles at lab coat.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon