Chapter 42: "I miss you"

6.6K 269 70
                                    

Diana's POV

11:42 ng umaga - sa may waiting room..

"Inom po muna kayo ng tubig, ma.." Ako naman ngayon ang umalalay kay mama. Kahit kasi matapang ang nanay ko—hindi parin nya maiwasan ang mag nervous breakdown; sobrang nag-aalala sya para kay papa. Naiwan narin sya ngayon sakin dahil may pasok si bunso, ayaw na sanang pumasok nun sa school pero hindi pumayag si mama.

"Salamat, Dee.. palagay mo ba matagal pa ang operasyon?" Matamlay na tanong nito sakin, namumugto ang mga mata nya, ilang beses nya na ring tinignan ang pintuan ng OR. Pinaupo ko lang sya.

"Maghintay pa tayo ng kaunti ma.. sigurado ako matatapos na nyan ang operasyon." Nung pagkasabi ko nun, biglang bumukas na ang pintuan at iniluwa na nga nito si papa.

Mabilis na tumayo si mama para salubungin ito, sumunod naman ako sakanya kalaunan.

"Let's get the patient settled muna po.." Saway saamin ng mga nurses na naka-alalay kay papa; sarado parin ang mga mata nito dahil sa anesthesia, nakaawang ng kaunti ang bibig nya at mayron itong breathing tube.

..

Noong maipasok na si papa sa loob ng kwarto nya ay muling kinausap ng doctor si mama.. pati ako ay sumali narin. Gusto kong marinig ang mga sasabihin ni Doctor Harbell.

"Mr Zedilla will have to stay here until he recover from his operation.. kailangan muna nyang maging stable. For two weeks or so, may mga specially trained medical and nursing staff, dieticians, pharmacists, physiotherapists—ang regular na titingin sakanya. He will also have blood tests, chest X-rays and ECGs." Yun ang mga reminders ni doc.

"I understand po, Doc Harbell. Maraming salamat po sainyo.."

"It's a pleasure, Mrs Zedilla." Magpapaalam na sana ito pero hinabol pa sya ni mama.

"Uh, sorry, Doc Harbell.. palagay nyo hu ba magiging okay na ang asawa ko?"

"Yes.. ligtas na ang asawa ninyo. We will make sure na magiging okay na talaga sya. Mataas po ang survival rate ng heart transplant lalo na kung masusunod ang lahat ng kailangang gawin para alagaan ang bagong puso ng inyong asawa, pwede na po kayong kumalma." Mukhang nakatulong naman yun kay mama, naging mas relax na sya nung sabihin yun ng doktora. Kahit papaano ay parang nabunutan din ako ng tinik sa dibdib.

"Okay po.. salamat."

"Call me if you need anything.."

***

Fast forward - 3:30 pm..

Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ni papa.. mahabang oras na itong natutulog at nagpapahinga. Normal lang daw naman yun sabi nung nurse.

"Pa, pag gising mo. Madami akong iko-kwento sayo." Bulong ko sa tabi nya, hawak ko yung anklet na ibinigay nya. "Hindi ba sabi mo noon saakin kapag dumating na yung panahon na yun, sayo ko unang sasabihin? Puwes heto nayun, pa. Nahanap ko na yung taong mahal ko. At gusto kong magkita kayo. Kaya dapat magpagaling ka.."

Lumitaw ng kaunti sa hospital gown ang malaking hiwa sa dibdib ni papa. May scar na sya ngayon dahil sa ginawang incision, sariwa pa ito bagong tahi pa lamang. Kanina ay malaya ko itong napagmasdan dahil nilinis ito nung nurse, tinignan ko sya habang ginagawa nya yon. Hindi ko naiwasang panghinaan ng tuhod.

Ang strange lang sa pakiramdam—ang malamang may iba ng puso ang tumitibok sa loob ng dibdib nya.

Flashback..

"Sobrang ganda, pa! Maraming salamat." Sabi ko nung tumambay kaming dalawa sa balcony ng bahay. Tapos na ang party, umuwi narin yung ibang bisita namin, busy na si mama sa pagliligpit.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon