Chapter 44: Tell me, how can my heart be wrong?

5.7K 226 74
                                    

⚠️ ⚠️ ** WARNING** ⚠️⚠️
This chapter contains homophobic slurs. READERS DISCRETION IS ADVISED

~•~•~•~•~•~•~•~

Diana's POV

"You are just in time for the ball, Ms Zedilla." Sabi ng aming principal sa loob ng kotse, sinundo na kasi ako at nandito na ulit kami ngayon sa harapan ng resort.

"Thank you for allowing me to visit my parents, Mrs Acosta."

"Of course. I trust your family is well? Particularly your dad?" Pormal na pangangamusta nito. Habang pinupunasan ang salamin nya. Yung buhok nya ay parang 90's hairstyle, sobrang laki at kulay orange.

Hindi ko ganun kakilala si Mrs Acosta. Ang alam ko lang ay dati na syang teacher sa Don Javier University noon pa, nagtrabaho, nagsikap, hanggang maging principal. Madalas syang iwasan sa school namin, sobrang uptight daw kase ito. Mabilis ang mga mata nya sa mga pagkakamali.. kaya marami sa mga kapwa ko estudyante ang takot syang makasabay sa corridor.

Pero hindi maikakaila na dahil narin sa husay ni Mrs Acosta kaya nangunguna ang aming paaralan.

"Unti-unti na pong bumubuti ang kalagayan nya."

"I'm glad to hear that. Pumunta ka nalang sa may lake, doon yung ball. Goodluck!"

"Okay po, thank you again." Hindi na nya ako kinusap pa ng matagal, it goes without saying; busy talaga siyang tao.

Bumaba na ako sa kotse at tinungo na ang lake.

...

Excited akong naglakad papunta sa ball. Nakita ko rin agad sila, ang dami kasi nila at halos lahat ay nagsasayaw. Nung makalapit na ako doon, walang nakapansin saakin. Agad namang hinanap ng mata ko si Nephra, nakamaskara sila kaya mahirap silang kilalanin.

My eyes wandered, person after person.. I've been looking forward to this day.. ang makitang muli si Nephra.

Pagkatapos ng ilang sandaling pag-i-i-scan ng mga tao sa paligid.. ay nakita ko rin ang hinahanap ko. Paano ko nalaman? Nakita ko kasing suot nya yung kwintas na ibinigay ko.. at siguro dahil, masyado ng nasanay itong mga mata ko. Alam kona agad kung sino sakanila si Nephra.

May kasayaw sya. Pinaliit ko yung mga mata ko, at sumipat ng mabuti.. sinusubukang kilalanin kung sino ang lalake.

Naupo ako sa isa sa mga upuang nakapalibot sa ball. Pinanood ko sila habang nagso-slowdance.. magkahawak ang kamay, magkalapit ang mga katawan.

Parang bigla akong nanggigil. Naiinis ako at umaalma yung damdamin ko. Ni-remind ko ang sarili ko na huwag magdamdam.. ito'y simpleng sayaw lamang. Nothing more.

Napangiti pa ako sa kagagahan ko.. ngayon ko lang kasi nadiskubre 'to sa sarili ko. Masyado pala akong possesive.

Nung matapos na yung kanta, nanatiling nakatayo sina Nephra at yung mysterious guy. I remained silent too, tinitignan ko lang sila from afar.

Ano pang hinihintay nila? Pasko? Dapat magkalayo na sila ngayon eh!

Hanggang sa unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha. Parang tumigil ang tibok ng puso ko..

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon