Chapter 23: at the Gazebo (Pool Party II)

5.5K 249 38
                                    

Nephra's POV

"Hi.." pilit na kinukuha ni Diana ang atensyon ko.

Nanginginig ang mga tuhod akong humarap sakanya.

And then I saw her beautiful face..
Parang lumabo ang paligid at ang tanging nakikita ko lang ay si Diana.

All the emotions bottled up inside of me came rushing, all together; making no restrictions.

May ibang function pa pala ang puso ko? Kasi ang akala ko noon tumitibok nalamang ito para padaluyin ang dugo sa katawan ko.. para panatilihin lang akong buhay.

Pero mali pala ako dahil naantig ni Diana ang puso ko.

I don't want this!

I don't want this vulnerability..

Showing too much emotions makes you look weak! At ayokong magmukhang mahina.

So I faced her again coldly, "What do you want? Kailangan ko ng umalis.." Poker-faced parin ako, pilit na itinatago ang mga tunay na nararamdaman ko.

Malungkot ang mukha nyang tumingin sya saakin, hindi nya nagugustuhan ang malamig na trato ko sakanya.

Lumunok muna sya bago nagsalita, "Iniiwasan mo ba ako?"

She is three steps away from me sa loob ng gazebo.

Hinihiling ko na sana bumalik si Buck.

"I have no idea what you're talking about--"

"Yes! You do!" Ito na ata ang kauna-unahang pagkakataon na hindi nya ako pinatapos magsalita.

"Paiba-iba ka ng trato saakin!" Nakita kong seryoso talaga ang mukha nya..

Galit ba sya?!

At parang narinig nito ang tanong ko dahil nagsalita sya at sinabing, "Hindi ako galit! Nasasaktan lang ako.. you can't just be nice to me tapos all of a sudden you start acting like a bitch!
..at magpapanggap ka na parang hindi mo ako kilala!"

Hindi ako makapagsalita.

Sya na ngayon ang in charge saaming dalawa.

Since when?! Gulat kong tanong sa sarili ko.

"Pwede ba tayong magpakatotoo sa isa't isa?" Tanong nya ulit, habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Hinawakan ko ang wooden railings ng gazebo, dahil pakiramdam ko ay matutumba ako kung wala akong kakapitan.

"Stop.. you don't know me." I said flatly.

"I know you." Pagmamatigas nito atsaka humakbang ito palapit saakin.

Damn you Zedilla!

Why are you doing this to me?!

"You keep seeking acceptance and validation from others just to fill that hole in your heart." Tinamaan ako sa sinabi nya.

Tumaas ang emosyon sa loob ko, tulad ng mga alon sa dagat pagkatapos ng malakas na hangin.

Ngayon ko lang napagtanto na may katotohanan ang mga sinabi ni Diana.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon