Chapter 41: Three words

6.7K 254 67
                                    

Tips: There will be a gif ahead, so read this online para makita ninyo yun.

Enjoy this chapter..

-----------------------------

Nephra's POV

"You are so.. different."

"Different?"

"Yep." Walang kagatol-gatol kong sagot, "You are so naive.. yet, very bright and very kind. You lack confidence but you are fearless when you want to be."

Binigay nito ang buong atensyon nya sakin, manghang-mangha ang mga mata nitong tumitig sakin; with her soft looking, feminine eyes..

I saw her pupils dilated.

"Masama ba yun?.." Buong tapat nyang tanong.

"No! Not at all.. In fact, the world would become a better place if there were more people like you."

Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.. as if to magically soothe the ache that was growing to be unbearable.

Pagkatapos ay dahan-dahan itong humakbang papalapit saakin.

I stood, frozen, waiting.. from both fear and excitement..

..after what felt like eternity of long anticipation, she leaned forward to close the gap between our lips.

Pinikit ko ang mga mata ko.. and I steadily held my coffee cup. Dahil sa ginawang paglapit saakin ni Diana; dumampi ang mug na hawak ko sa pagitan ng mga katawan namin, naramdaman ko ang katamtamang init na nagmumula sa natitirang kape.

Nahalikan ko na sya noon, pero hindi tulad nito.

Mas doble ang sarap nito ngayon kaysa sa pagkakaalala ko. Matamis at mahinahon; puno ng sensiridad. She kissed me with slow and rhythmic motions; delicate and passionate, parang isa akong likhang sining sa ilalim ng mga kamay ng isang pintor; bawat paggalaw nya ay may kaakibat na pag-iingat.

Balanse ang lahat. Ang amoy nya, ang amoy ng malamig na hangin sa paligid; even that distinctive earthy smell when it's about to rain. I was sure I heard music while kissing Diana. I guess that's just how it is, lumalakas yung mga senses ko tuwing nahahalikan ko sya.

"D-Diana.." nanghihina kong sambit sa pangalan nya. "S-Someone.. might see us." sabi ko sa pagitan ng halikan namin. Pero kahit na anong pigil ko ay hindi ko parin magawang kumawala. Sa katunayan nga ay nais ko pang magpatuloy. It was so addicting!

"Please, Nephra.." sagot naman ni Diana, narinig ko ang panginginig ng boses nya, "j-just let me.. please..." anito, may bahid ng pagsusumamo.

Before I was even fully aware to stop what we're doing, Diana moved her hand across my back, It settled there and she pulled me closer. Habang ang kabilang kamay naman nya ay hawak ang mukha ko. Lalong nag-init ang katawan ko sa pagkakadikit ng mga katawan namin. Ramdam ko ang sensasyong hatid nito sa aking tiyan, pati narin sa puso ko.

My lips parted; automatically mirroring her movements, I opened my mouth and gave her access; feeling her tongue glide inside my mouth, softly touching mine. Nagkaisa ang aming mga hininga, narinig kong lumabas sa bibig ko ang impit na ungol, sa bawat indayog, tila walang makakapawi ng aming gutom.

The world was slowly disappearing around us,  along with all of our worries and our problems.

Pinaramdam nya sakin na balewala ang lahat ng yon.

That it's us.. only us.

Pagod at habol hininga kaming pareho, kapwa nakasandal parin ang mga noo namin sa isa't isa. Sa pagputol ng aming halikan ay nanatiling nakasara ang mga mata ni Diana. She was savoring the kiss, nursing the moment.. at ganoon din ako, sinasariwa ko parin ang regalong pinagsaluhan namin.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon